31: The Fear.

124K 1.3K 218
                                    

This chapter is dedicated to TagahangaLangPoAko. Hi Ady! Natutuwa ako habang tinatype ko to. Wala lang, ang bait mo kasi. Sa sobrang bait mo friends na agad tayo. Hehe! Godbless you mwa! :*

Anyways, check out the vid sa multimedia. Suggested by Ady yan, bagay daw kay Storm hehe! :) Song title: CAPTURED by Christian Bautista ft. Sitti.

~~

Fear often comes from those things we want the most.

Chapter 31: The Fear.

Hannah's POV

Nasa quadrangle kami habang naghihintay ng oras, vacant kasi namin ngayon kaya dito kami napatambay.

"Wear makeup paired with red lipstick" Bulong ko.

Nababaliw nanaman ako. Kanina ko pa kinakausap ang sarili ko dahil nga sa punyetang second step na 'to.

Pakshet. Oo tama kayo ng pagkakabasa. Yan yung second step. =___=

Okay lang sana eh, kaso dapat red na red. Yung tipong maiinggit si Storm dahil naka-red lipstick ako. Ajuju.

"Oi Lourie may red lipstick ka ba dyan?" Tanong ko.

"Oo. Eto oh.." Sabi nya sabay abot.

Kinuha ko agad iyon, tinanggal ko yung takip saka ko pinaglaruan este kinulayan yung labi ko.

"Okay na ba?" Tanong ko.

"BWAHAHAHAHA! PUTCHA! BWAHAHAHAHA!" Grabeng tawa ni Green yan.

"Hay nako! Akin na nga aayusin ko!" Kinuha naman ni Lourie yung tissue tapos binura yung nasa labi ko at nag-apply ulit ng panibago.

"Oh ayaaan! Bagay na bagay sayooo!" Sabi nya with matching beautiful eyes pa.

"Ay oo ngaaaa! Halika bakla! Lagyan din natin ng blush on ang fes mo para mas mganda!" Ayan na, umarangkada nanaman yung kabaklaan nya.

"Tama! Tama! Tapos lagyan mo din ng eye shadow, dapat yung smoky! Tapos long lash mascarra! My gahd for sure gaganda ka nanaman Hannah!" Sabi naman ni Lourie na halatang excited pa.

Yan tayo eh. Gagawin nanaman nilang coloring book yung mukha ko.

Haaay. For the sake of second step! Gora!

"Hoy takte kayo ah. Paglalaruan nyo nanaman yung mukha ko, baka mamaya magmukha na akong painting nyan ah!"

"Don't worry. Trust the experts." Okay eh di sila na ang magaling.

Seducing Mr. Pervert (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon