36: Hannah!

107K 1.2K 173
                                    

This chapter is dedicated to heyitstrishia. Thankyou dear!

~~

Mistakes are part of the dues one pays for a full life.

Chapter 36: Hannah!

Hannah's POV

"Oo na, Storm... Sa tingin ko, mahal na nga kita."

 

Then, during that time, that day, that night, that moment, I admit it. Oo na, mahal ko na nga talaga yung pervert na 'yun! Mahal ko na sya!

Hindi ko alam kung kelan nagumpisa, o kung paano nangyari. Basta bigla na lang. Bigla na lang nagising akong ayaw ko na syang mawala.

I super like that super perv!

And I hate my self because I'm liking him that much, to the point that I don't wanna lose him.

Gago kasi sya eh. Palagi syang nandiyan malapit sa'kin. Ayan tuloy! Ang sabi ko pa naman ayaw kong masanay na nandiyan sya. Psh. Ngayon ayaw ko na tuloy masanay ng wala sya.

"Nakakainis ka" Mahinang sabi ko.

Nakakainis ka kasi sinanay mo akong nandiyan ka malapit sa'kin. Haaay.

Naalala ko naman bigla yung papel na hawak ko, yung papel na sapilitan nyang inabot sa'kin.

Dahan dahan kong binuksan iyon, at grabe lang talaga nung makita ko yung loob. As in supah dupah grabe, seriously. =____=

ANG PANGIT TALAGA NG SULAT NYA!

Haay! Naku naman! Kailangan ko yata ng interpreter eh. Badtrip ka naman Storm oh. Kung gaano ka kaguwapo, ganun naman kapanget yung sulat mo. >____<

"Kaya mo 'yan, Hannah. Konting tiyaga lang ang kailangan mo para mabasa mo 'yan. Go Hannah! Fight team fight!"

1 hour.

Ganyan katagal na akong nabubwisit dahil hindi ko pa din mabasa yung sulat ni Storm. Ano ba naman 'yan, nauurat na ako.

Teka. Baka may password din 'to? O baka naman may gimik na nilagay si Storm dito? Yung katulad ng ginawa ni Dr. Jose Rizal sa sulat nya kay Leonor ba 'yun?

Hm, baka nga! :)

At dahil hindi pa din ako nawawalan ng pag asa na mababasa ko yung sulat ni Storm, pinagtyagaan ko pa ding titigan yung papel. Kaso lumipas nanaman ang isang oras, hindi ko pa din mabasa.

Nawawalan na ako ng pag asa. Haaay.

Humiga ako sa kama at itinaas ang papel, bigla akong may naaninag na parang letter A, pero parang lang naman kaya nilapit ko 'yun sa mukha ko para titigan ng husto kaya lang wala eh.

Seducing Mr. Pervert (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon