50: Wifey.

75.6K 1K 112
                                    

Warning: Lame and bitin.

This chapter is dedicated to CuteTigerKitty.

*****

Sometimes we underestimate ourselves so much, that when people compliment us, we can never believe them.

Chapter 50: Wifey.

Hannah's POV

Natulala na lang ako nang makita ko syang nakangiti habang papalapit sa 'kin. Natatawa pa ako kanina kasi pinagtutulakan pa sya nila Heaven para lang lumapit sa 'kin, tapos narinig ko pa syang nagsabi na nahihiya daw sya, tapos ngayon tameme na ako.

Grabe, si Storm ba talaga 'to? Hindi talaga ako makaniwalang nandito sya ngayon sa harap ko at nahihiya pa. Isang famous guy sa campus, nahihiya sa isang nobody at mahirap na babaeng tulad ko. Totoo ba 'to?

"Uuuuyyy!!!" Narinig kong sigaw nila chebs pero hindi ko sila pinansin, bahala sila dyan.

"May gahd! Fafa Stooorm! Akin na lang! Akin na lang 'yaaaan!" Green.

"Sshhh. Huwag ka ngang epal baby! Kung gusto mo ng bulaklak bibigyan na lang kita! Tss. Bulaklak gusto! Yung cake ko ayaw! Labo mo" Ady.

"Tse! Kadiri kang babae ka!" Green.

"Manahimik nga kayong dalawa!" Lourie.

Ang ingay ingay nila pero wala eh, deadma lang ako dahil si Storm ngayon ang tanging nakikita ko. Nasa tapat ko na sya at nakatitig lang kami sa isa't isa, hindi sya nagsasalita at hindi din sya gumagalaw.

"Huy!" Para namang nahimasmasan si Storm ng biglang sumigaw si Sky. Seriously, istorbo much. =_____=

Nagtititigan pa nga kami eh. Tss. At ayun, sa sobrang istorbo nya binatukan tuloy sya ni Wind.

"Para sayo" Inulit nyang muli ang sinabi nya sabay abot nung hawak nyang bulaklak.

Three pieces of roses. :')

"Sige alis na ko" Sabi nya sabay lunok.

Agad syang tumalikod tapos naglakad palayo sa 'kin, habang dala dala yung isang bouquet ng bulaklak.

Teka, hindi ba para sa 'kin 'yun? >||< Kung hindi, para kanino? At teka nga ulit, ganun lang 'yun? Bibigyan nya ko ng bulaklak tapos aalis din agad? Wala man lang sinabi?

"Bye girls!" Paalam nila saka sumunod ng maglakad kay Storm palayo.

Seducing Mr. Pervert (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon