19: Assignment.

138K 1.3K 136
                                    

Warning: This chapter is OA. As in super OA! Hahahaha!

This chapter is dedicated to DemiGodFree. Thankyou for reading my dear. Hope you enjoy this chapter. Godbless you! :*

~~

 

Never underestimate anyone. For everyone is given something that other people don't have.

 

Chapter 19: Assignment.

Hannah's POV

Tinitigan ko muna yung cellphone ko bago ko inopen yung message.

From: Miss Idol.

~Hi Hannah! How's Storm? Is he okay? Who's with him kanina?

Si Storm talaga yung bungad? Sana ako muna yung kinamusta nya diba? Haays. Sino ka ba Hannah? Slave ka lang naman ni Storm at Spy ka lang naman ni Ms. Natasha diba?

Actually, magkasama kami and honestly, ang gwapo nya kanina.

Gusto ko yang isend sakanya pero syempre hindi ako ganun katanga. Mamaya magalit pa sya sakin e.

~He's okay Ms. Natty. Friends nya lang po ang kasama nya.

Sabi ko sabay send. Sa totoo lang, ako'y nadidismaya na talaga kay idol. She is super duper obsess.

Ilang saglit pa'y nagtext ulit sya.

~Thank you talaga Hannah. I'll reward you soon.

Reward? Ayoko na ata ng reward na 'yan. Naalala ko nanaman tuloy si Storm, bwiset na Storm na 'yan! Bakit ba palagi ko na lang syang naaalala? Psh.

~No problem Ms. Natty. Goodnight!

Yun lang yung sinabi ko kasi wala talaga akong maisip sabihin. Hindi ko alam! Bakit ba parang ang sama sama ko dahil tinanggap ko ang alok ni miss Natasha?

Napatingin ako sa orasan. 5:30 na pero hindi ko pa din nagagawa yung assignment ko. Eh, naman kasi e! Bakit ba kasi naaalala ko ng naaalala si Storm?! Bakit ba kasi nakukonsensya ako dun sa sinabi ko kanina at bakit ba kasi ang hirap hirap hirap ng INTEGRAL CALCULUS?!

Psh. Pupukpukin ko na 'tong utak ko e! Ang hina na nga sa math tapos ang kulit kulit pa!

At dahil hindi ko masolve yung problem sa I.C. At dala na din ng sobrang pagkaboring ko, kinuha ko ang cellphone ko't inisa isa kong basahin yung message. Gawain ko talaga 'to 'pag wala akong magawa e.

Bigla namang nahagip ng mata ko yung text ni Storm.

~Tonight. 7pm.

~You'll go with me.

Seducing Mr. Pervert (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon