37: Their side.

105K 1.2K 230
                                    

Warning: Mahaba ang A/N sa dulo at nakakamatay ang wrong grammar ko dito (Loljkhaha)

This chapter is dedicated to Cheeenggg. Thank you for reading my dear friend! Pasensya na, natagalan ang pagdedicate. Godbless you. :)

Binabati ko nga pala si mariechankawaii28. Hello! :D Play the video at the right side, entitle FALLIN’ by Janno Gibbs.

~~

 

Sometimes, we simply care for someone without reasons, without expecting much. Just knowing that the person is happy and safe, is enough.

Chapter 37: Their side.

Wind's POV

Nasa kwarto ako ng floating house nang may marinig akong nagsisigawan, kaya naman agad akong napatakbo papunta sa labas.

"Fuck! Anong nangyari?!"

Tanong ko ng makita ko si Hannah na nakahiga sa sahig at wala ng malay. Basang basa ang katawan nya na halos hindi na humihinga.

"Natamaan sya ng bola, tapos... Tapos..." Hindi na naituloy ni Lourie ang sinasabi nya dahil sa biglang pagbugso ng mga luha.

"Hannah!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Natatakot ako. Natatakot ako para kay Hannah, para sa'kin. Ayaw kong mawala sya.

"Hannah! Wake up freak! Wake up!" Sigaw ni Storm. Natataranta na sya at kahit ako man din ay tarantang taranta na.

Shit this! Please wake up!

Nagulat ako ng biglang hinalikan ni Storm si Hannah, actually, hindi naman 'yun halik talaga dahil CPR 'yun, pero iba pa din sa pakiramdam na makita yung babaeng gusto mo na hinahalikan ng kapatid mo.

Oo, gusto ko sya.

"Wake up!"

Gusto ko syang kunin, gusto kong ako ang gumawa nun sakanya. Kaso, nauna sya eh. Nauna na ang kapatid ko.

"Shit! I'm begging you! Please wake up! Hannah gumising ka naaa!"

"Hannah please gumising ka!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko't napasigaw na ako. Sinubukan kong lumapit pero may pumigil sa'kin.

"Wind" Sabi nya.

"Hayaan mo ko" Sabi ko kay Sky saka ko tinabig ang kamay nya.

Pero hindi ko na nagawang lumapit pa dahil sa biglang pagyakap ni Storm kay Hannah.

"Akala ko... Akala ko mawawala ka na sa'kin" Sabi nya.

Akala ko mawawala ka na sa'kin, akala ko lang pala, dahil hindi ka nga pala sa akin, hindi ka sa'kin Hannah.

Seducing Mr. Pervert (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon