11: Slave.

153K 1.3K 55
                                    

Life is a dream for the wise, a game for the fool, a comedy for the rich, a tragedy for the poor.

Chapter 11: Slave.

Hannah's POV

Nakaupo ako sa bench sa may quadrangle, kasalukuyan kong nilalaro yung dulo ng buhok ko habang kinakausap ang sarili ko.

Naiinis talaga ako kay Storm promise, bukod sa pahamak sya, arogante, mayabang, ang laki ng bilib sa sarili, pervert, e nakakabwisit pa. Tama ba namang paghintayin ako hanggang sa last class nya?

"I hate that perv!" Yun na lang yung nasabi ko. Ang tagal ko na kasing naghihintay, magdadalawang oras na yata, naiinis na talaga ako sakanya. Kung may pambayad lang talaga ako, isasampal ko talaga sa pagmumukha nya 'yun!

"Freak girl" Napalingon ako ng may biglang nagsalita. Hindi naman talaga ako dapat lilingon dahil alam kong si Storm 'yun kaso no choice kasi alam ko din namang ako yung tinatawag nya nun.

"Perv!" Ganti ko naman. Badtrip talaga 'tong Storm na 'to!

"Me? A perv?" Sabi nya tapos biglang nagcross arms.

"Sino pa ba kausap ko? Ikaw lang diba?" Sagot ko naman. Bigla naman nya akong tinignan, yung THE LOOK nyang silently killing me!

"Whatever, flat chested girl!" Halos umusok naman yung ilong ko dahil sa sinabi nya. Kapal ng mukhang sabihan akong flat chested! Flattin ko mukha nya e!

"You're such a big pervert guy!!" Sabi ko sabay talikod. Aalis na sana ako at iiwan sya kaso bigla syang nagsalita.

"You're my slave, right?" Sabi nya kaya napahinto ako.

"So?"

"So, ang gusto ko isang tawag ko lang dapat sagutin mo na.."

Aba't ang galing nya! Ano ako, yaya nya na kapag sumigaw sya ng 'yaya' pupunta agad para pag silbihan sya? Eh, kung bangasan ko kaya yung mukha nya ng malaman nya hinahanap nya?

"Ay pasensya ka na ha? Baka kasi hindi mo alam, estudyante din ako na kailangang mag-aral, magsulat ng notes, makinig sa prof at sumunod sa rules." I said sarcastically while giving him my most sarcastic smile.

"I don't care" Sabi nya saka umupo dun sa bench na inupuan ko kanina. Yeah, right. Asa naman akong may pakialam sya sa pagiging estudyante ko diba? Psh.

"Kasalanan mo kung bakit ako napahamak kanina! Nakakainis ka! Tapos gusto mo pa, sasagutin ko agad ang tawag mo? Eh paano kung may klase ako gaya kanina na sinermunan ako ni Sir Lucas dahil sa tawag mong two words lang naman pala ang sasabihin! Sana tinext mo na lang ako para hindi na tumunog yung cellphone ko, eh 'di sana hindi na nya ako napagalitan at para hindi na din ako pumunta sa klase nyo ni Dean! Argh! Nakakainis ka!"

Seducing Mr. Pervert (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon