18: Crush!

141K 1.3K 143
                                    

Warning: LOTS of A/N.

This chapter is dedicated to her (MaxEurissa). Ang haba ng message nya sakin, parang isang chapter na ata 'yun. Promise naantig nya talaga ang puso ko. Hey dear! Ang sabi mo essay na yung message mo, para sakin LIBRO na 'yun! Haha joke. Pero honestly, napangiti mo ako dun. Hehe. Salamat talaga sayo. Godbless! Mwa! :*

~~

 

Anything in life that leaves butterflies in your stomach is worth experiencing.

Chapter 18: Crush!

Hannah's POV

My God! Si Storm nanaman! Eh, nakakainis naman e! Bakit ba kung nasaan ako, nandun din sya?!

Ay malamang Hannah, diba tambayan nila yung coffee shop? Tapos diba sa taas ng coffee shop yung play place nila? Logic Hannah! Logic!

"Hannah, ayan na yung hinahanap mo oh" Pang-asar na Green 'to!

"Girls, mahal ko na talaga si Wind! Sige Hannah sayo na si Storm basta akin na si Wind ha?" Sabi naman ni Lourie.

Psh, palit na lang kaya tayo? Akin si Wind tapos sayo si Storm? =___=

"Oh men, nandito pala yung freak girl mo eh!" Narinig kong sabi ni Cloud pero kunyari hindi ko narinig.

Freak girl nya? Ni Storm? Psh! Kapal ng mukha nya!

Mas lalo tuloy akong kinabahan. Sila Lourie naman panay pacute lang, at si CK? Hala parang na-inlove na ata? Kanino naman?

"Ang gwapo ni Heaven" Sabi nya. Okay, si Heaven pala.

Nagulat naman ako ng bigla silang umupo sa kabilang table kaya hindi ko sinasadyang mapatingin kay Storm.

Oh em gi lang! Nahuli ko kasi syang nakatingin sakin e. Gosh! Heart, please stop! Huwag ka ng kabahan please? Huwag mong bigyan ng malisya ang mga tingin at titig ni Storm. Hobby nya lang talaga 'yun okay?

"Kamusta ka na Hannah?" Nagulat ako ng biglang nagsalita si Wind.

And honestly, I was surprised. Yung crush ko tinatanong ako tapos yung kinaiinisan ko tinititigan ako?

"Okay lang ako" Hirap na hirap pa akong sabihin 'yun sakanya.

Paano ba naman, si Lourie parang naiinis na ako lang yung kinamusta ni Wind na crush ko na crush nya din tapos itong Storm naman na 'to umupo sa tapat ko.

Gets nyo ba? Bale ganito kasi yung pwesto namin, si Green ang nakaupo sa tapat ko katabi nya si Lourie tapos ako katabi ko si CK. Si Wind naman umupo sa kabilang table na ka-line ko, tapos si Storm naman umupo dun sa tapat ni Wind na kahilera ni Green at Lourie, magkatapat na din tuloy kami ni Storm. Oh ano gets na?

Seducing Mr. Pervert (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon