38: Fourth Step.

107K 1.2K 189
                                    

HAPPY 1.04 MILLION READS! :D

This chapter is dedicated to TSRed22_GirlOnFire. Hello! Taray ng username mo :) Hehe! Thank you for reading. Mwa! :* Binabati ko nga pala si Marjuree Sadio! Hellooooo sayo dear! :*

~~

The only thing in life that you have absolute control over is your attitude.

Chapter 38: Fourth Step.

Hannah's POV

Pagulong gulong ako sa kama ko habang nakatitig sa cellphone. Wala, natatawa lang ako habang pinagmamasdan ang mga pictures namin.

Nakauwi na nga pala kami dito sa Manila, at kahit na muntik na akong malunod masasabi kong super enjoy ang bakasyon namin dun.

"Haaay"

Mukha na kong tanga. Ngingiti tapos ngingiti, tapos ngumingiti nga din ako eh, at alam nyo ba, ngumingiti din ako magisa. Oh diba mukha talaga akong tanga? Puro ako ngiti.

"Kasi naman eh! Parang timang si Storm, kinikilig tuloy akooo!"

Paano ba naman kasi, bago kami umalis kanina sa Saturn beach resort may kaabnormalan nanaman syang ginawa. At isa lang talaga ang masasabi ko, kinikilig ako, enebe. :')

Flashback...

Nasa tabi kami ng swimming pool at kasalukuyang binababad ang paa sa tubig ng bigla nanamang sumulpot si Storm.

"Freak girl?" Tawag nya kaya yung tatlo kong kaibigan, kinilig nanaman.

"Ayieee" Sabay sabay na kantiyaw nila.

Ang lalandi nila talaga. =___=

"Oh sya, dun muna kami sa kubo ah? Enjoy!"

At ayun iniwan nila kami dun, nakangiti pa sila na akala mo mga adik na naka shabu. Haha! What a term.

Tumingala ako kay Storm. Ang tangkad nya kasi tapos nakaupo pa ako kaya ayun ang sakit na tuloy ng batok ko kakatingala.

"Bakit?"

Tanong ko pero instead na sumagot, inalis nya lang yung slippers nyang color pink (na ang cute at bagay na bagay sakanya) tapos ginaya ako't umupo sya sa tabi ko.

"Ang kyut" Sabi ko ng makita kong inilagay din nya ang paa sa tubig.

"I know"

Psh. Masyadong confident. Hindi man lang nagpahumble. Nakuuu, pasalamat ka gwapo ka.

Seducing Mr. Pervert (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon