8: Arrogant Pervert Man.

153K 1.5K 84
                                    

You cant just wish on a star and expect things.

Chapter 8: Arrogant Pervert Man.

Hannah's POV

"Ikaw?" Gulat na gulat na sabi ko. Nakatitig lang sya sakin habang hawak hawak ang resume ko.

"Ganyan ka ba makipag-usap sa Master mo?" Seryosong sabi nya habang titig na titig pa din sakin.

Wow! Ang kapal nya ah! Master? Eh, hindi pa nga ako nakakapirma ng kontrata e. Saka ayoko na, ngayon pa lang umaayaw na ako! Ayokong pagsilbihan ang pervert na 'to!

"Nagbibiro ka ba?" Naiinis na tanong ko. Tingin lang ang isinagot nya sakin kaya naman mas lalo akong nainis. Napaka-walang kwentang kausap.

"I'm not your lost, right? So, I think makakahanap ka pa ng personal maid mo." Yun yung sinabi ko bago ko sya tinalikuran.

Lumakad ako sa napakalaking kwarto ni Storm. Lakad lang ng lakad hanggang sa mapansin kong ang tanga ko. Bakit ganun? Bakit parang naliligaw ata ako? Ewan, pero naliligaw nga ata ako. Ang luwag naman kasi sa kwartong ito e. Saan nga ba kami dumaan ni Sir Dustin kanina? Huhu. Ang shunga ko naman.

Wala na akong ibang nagawa kundi ang bumalik sa kinaroroonan ni Storm. Nakatitig lang sya habang papalapit ako. Ano ba, 'yun lang ba ang gagawin nya? Ang titigan ako?

"Okay. Nasaan ang pinto?" Tanong ko. Tumaas ang isang kilay nya pero nananatili pa ding nakatitig ang mga mata nya.

"Honestly, naliligaw na ako, kaya pwedeng pakituro ang pinto?" I'm losing my temper. Nakakaloko syang kausap, para akong nakikipag-usap sa pader.

"Kung saan ka pumasok, dun ka din lumabas." Walang ganang sagot nya. E kung kutusan ko kaya sya? Hindi nya ba alam ang salitang naliligaw?

Be patient, Hannah. Nasa teritoryo ka nya.

"Hindi ko makita ang pinto, masyadong malaki ang kwarto mo kaya naliligaw ako. Storm, nasaan ang pinto?" Mahinahong tanong ko.

"Nakapasok ka nga dito diba? Eh, 'di dapat marunong ka ding lumabas." Seriously, masasapak ko na 'to. Pwedeng pigilan nyo ko? Babangasan ko na talaga 'tong lalakeng 'to!

Be patient, Hannah. Nasa teritoryo ka nya.

"Alam mo ba yung salitang 'naliligaw?' sorry ah? Nakakahiya naman sayo, masyado na akong nagtatagal dito. Kaya kung pwede lang, pakituro mo naman sakin ang pinto. Please." Sarkastikong sabi ko.

Ngumisi lang sya, tapos tinitigan ako mula ulo hanggang paa sabay turo sa may bandang kanan gamit ang hintuturo nya.

Inirapan ko na lang sya saka ko sinabing "Thank you!" In a sarcastic way. Grabe talaga! Hindi ko kinakaya ang ugali ng Storm na 'yun!

Seducing Mr. Pervert (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon