54: Can I?

62K 1K 208
                                    

Warning: This chapter is lame.

I dedicated this chapter to ilhubyow02. Thank you for waiting! Alam ko inabot ng buwan ang dedication na 'to kaya isang malupet na sorry pooo. :D

*****

When we're in love, we tend not to see the bad side of someone. That's the pathetic part of it. Sometimes, even the worst person in the world can be the best person for your own belief. Love is not blind, it sees, but it doesn't mind.

 

 

Chapter 54: Can I?

Lourie's POV

Hindi kami mapakali, lahat kami natataranta. Ang lakas lakas ng ulan, ng hangin pati ng alon sa dagat. Halos hindi na talaga maawat ang pagkabog ng dibdib ko. Patuloy din sa pagtulo ang mga luha mula sa mga mata ko, hindi ko talaga maiwasang sisihin ang sarili ko.

"Kasalanan ko 'to" Pinupunasan ko ang luha ko pero patuloy pa din iyon sa pagpatak.

"Chebs tama na" Sabi ni Ck na umiiyak din.

Naiiyak na din sila Jd, lahat kami kinakabahan. Lahat kami hindi makapagisip ng matino.

"Chebs kasalanan ko 'to eh! Kung sana ako yung nahuli sa paglalakad eh 'di sana nabantayan ko sya"

"Chebs hindi. Walang may kasalanan, tama na chebs!" Ck.

"Mga bakla, huwag na kayong umiyak. Naiiyak na din ako eh!" Sabi ni Green sabay lapit samin.

"Tangina! Hindi ko na kaya 'to!" Sigaw ni Chester sabay tayo.

"Wind, Chester saan kayo pupunta?!" Natigil kami ng biglang nagsalita si Sky.

"Pupuntahan ko sila!" Sigaw nilang dalawa.

Sabay silang lumakad pero hindi sila nakalabas ng cottage dahil agad din silang pinigilan nila Heaven.

"Both of you are shit! Tangina ang lakas ng ulan, tapos lalabas kayo? Bakit kapag nagpunta ba kayo dun makakabalik sila agad dito? Magisip naman kayo kahit konti lang!" Galit na si Heaven.

"Wind, Chester, parang awa nyo na, huwag nyo ng dagdagan ang problema. Mapapahamak lang kayo sa gagawin nyo, kahit gaano pa kayo kalakas mas malakas pa din ang dagat sa inyong dalawa. Wala kayong magagawa d'yan" Sabi ni Jd na nagpipigil ng luha.

"Eh ano? Hahayaan na lang namin ang mga kapatid namin?! Hahayaan na lang namin silang mamatay dun?!" Sabi ni Chester kay Jd. Agad namang humarang si Sky kay Jd at sya ang sumagot kay Chester.

"At ano Chester? Kapag sumugod ka ba dun maliligtas sila? Mapipigilan mo ba ang bagyo? Mapapahinahon mo ba ang alon? Sabihin mo at hahayaan ka namin"

Seducing Mr. Pervert (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon