52: Trap! (2)

61.3K 979 138
                                    

Warning: Capital G-R-E-E-N. This chapter is dedicated to pinkxiuMIN.

*****

I want to be in your arms, where you hold me tight and never let me go.

 

Chapter 52: Trap! (2)

Hannah's POV

Unti unti ng nagsisink in sa utak ko ang mga pangyayari, ang mga sinabi ni Storm, at pati na din ang position namin.

"Kapag yakap kita, pakiramdam ko yakap ko ang mundo ko"

 

Gosh. Storm, kung alam mo lang. Kung alam mo lang ang nararamdaman ko, kung alam mo lang kung gaano ako nababaliw sa tuwing sinasabihan mo ako ng mga ganyan, kung alam mo lang.

"Freak girl...?"

"Bakit?"

"Ang bigat mo" Ay nyemas! Akala ko pa naman babanatan nya ulit ako ng pamatay nyang cheesy lines.

Agad akong bumangon, inayos ko ang sarili ko at saka ako umupo dun sa couch 'di kalayuan sa may kama.

"S-sorry" Sabi ko pa pero hindi sya sumagot, tumayo lang sya at nagpunta sa cr.

"Baliw talaga, psh. Siya 'tong nanghatak tapos siya 'tong lakas ng loob magreklamo"

Napalingon naman ako sa cr ng biglang bumukas ang pinto, lumabas si Storm dun at GRABE!

"Storm ano ba naman 'yan! Pwede naman kasi sa loob gawin 'yan eh!" Sabi ko sabay iwas ng tingin.

Paano ba naman kasi habang papalabas sya saka lang sya nagsara ng zipper! Bwiset talaga 'tong Storm na 'to! Ang perveeert!

"Kasalanan mo 'yan, tinignan mo eh"

"Hoy kapal ng mukha mo! Hindi 'no! Nagkataon lang na napatingin ako 'pag labas mo!"

"Eh 'di tumingin ka nga"

"Hindi nga! Napatingin lang!"

"Tss. Tinignan mo pa din"

"Agh! Nakakainis ka talaga!" Ewan ko talaga sa kanya! Nakakainis.

Padabog akong tumalikod sa kanya habang nakaupo. Nag Indian sit pa ako at nangalumbaba. Saglit akong natahimik hanggang sa bigla nanaman syang nangulit.

Seducing Mr. Pervert (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon