17: Distracted.

148K 1.4K 69
                                    

Ang chapter na ito ay lame. Kaya ang magreklamo, tutubuan ng mukha ang nunal. Loljk! Hahaha!

~~

 

Sometimes the harder you try to forget something, the more you seem to remember it.

Chapter 17: Distracted.

Hannah's POV

"Pwede ba bitiwan mo nga ako!" Nagwawala na ako dito sa quadrangle dahil hawak hawak pa din ni Storm yung kamay ko.

Lahat na talaga sila nakatingin, yung tipong pinapanood nila kami habang nagbubulungan ng kung ano ano.

"Storm let me go!" Sigaw ko pa.

Nagulat ako dahil bigla syang huminto, tumitig sya sa mata ko tapos biglang nagsalita.

"Ayoko!" Sabi nya sa tonong naiinis.

Seryoso yung mukha nya na parang galit kaya natahimik ako. Hindi ako nakapagsalita, napatianod na lang ako sa muli nyang paglakad at hindi man lang nya inalintana ang mga matang nakatingin samin.

"S..Storm" I said but he didn't give me a look.

Napatingin tuloy ako sa kamay nya na nakahawak sa kamay ko. Ngayon ko lang napansin na ang lambot lambot pala ng kamay nya, dinaig pa yung kamay kong puro kalyo.

Isa pa sa napansin ko. Sa buong buhay ko, sya pa lang ang kauna unahang lalake na nakahawak sa kamay ko. And, to think na holding hands pa. NBSB kaya ako. Seriously.

May mga nagkakagusto sa 'kin kaso ayaw kong patulan, ang gusto ko kasi, ang first boyfriend ko ang maging last, at syempre dapat mahal ko at mahal ako. Oo na! Maarte na kung maarte.

Napatitig tuloy ako sa likod nya. Pati kasi yung likod nya ang gwapo e, wala na ba talagang ibang panget sakanya bukod sa sulat at ugali nya? Ops ops! Gwapo lang sya pero hindi ko sya crush 'no!

Nagising lang ako mula sa pagpapantasya-este kawalan pala, nang bigla nya na lang binitiwan ang kamay ko.

"You're stubborn" Seryoso pero kalmadong sabi nya.

"Bakit?!" Naiinis na sagot ko.

Hindi sya sumagot, sa halip, umupo sya sa teacher's table at pinatong ang dalawang paa na akala mo kung sino.

Nasa isang room kami somewhere in Engineering building, at sobrang pinagtataka ko lang talaga kung paano kami nakarating dito.

"Hoy Storm ano bang problema mo ha?! Bakit trip mo ako laging kaladkarin sa kung saan saan?! Saka ano bang problema mo kung hindi ako magreply?!"

Buryong buryo na talaga ako kay Storm. Kung wala lang talaga akong utang sakanya, nako!

"Alam mo bang pinagchichismisan na nila tayo?! Akala nila girlfriend mo ako dahil lagi nilang nakikita na kinakaladkad mo ko! Naiissue na ako sa campus dahil sayo, dahil akala nila may relasyon tayo which is imposible naman talagang mangyari!"

Nakapamaywang na ako habang nagsasalita, pakiramdam ko umiinit na yung mukha ko at yung kilay ko tumataas na, pero itong pervert na Storm na 'to wala man lang ibang reaksyon kundi titigan ako mula ulo hanggang paa.

"Nakakainis ka na talaga!" Tinalikuran ko sya at umupo ako sa upuan malapit sa pwesto ko.

"What did you say?"

Tss. Nangaasar ba sya? Ang haba ng sinabi ko tapos hindi nya pala naintindihan? E kung hambalusin ko kaya sya para ma-gets nya?

Humarap ako sakanya, tapos tinignan ko sya ng masama.

Seducing Mr. Pervert (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon