5: After Shock.

165K 1.5K 95
                                    

Don't judge me by my past, I don't live there anymore.

PREVIEW:

Sino ba sya sa akala nya? Sino sya para husgahan ako? Wala syang alam!

 

Chapter 5: After Shock.

Hannah's POV:

Si Wind Drey, nakatingin sya sakin! :D Agad akong nag-iwas ng tingin nang mapansin ko syang nakatitig sakin. Teka Hannah, hinga. Inhale, exhale. Inhale, exhale.

Dahan dahan kong binalik ang tingin ko sakanya kaya lang halos matunaw ako ng makita kong nakatingin pa din sya sakin. What's wrong with me? Bakit ganun na lang sya makatingin?

"Let's go, Wind!" Yaya ni Sky-yung pinsan nila ni Storm na habulin din ng girls. Nag-iwas na sya ng tingin at lumakad na palabas ng pinto habang ako naman hindi makahinga dahil sa pagkaka-suffocate ko sa Drey brothers.

Grabe sila! Ang intense.

"May utang kang kwento samin" Sabi ni Lourie habang nakangisi. Tsk! Ayoko talaga ng ganito e, yung tipong naha-hot seat ako. Argh! Nakakainis!

Napayuko na lang ako. Haaay. Anong istorya ang iimbentuhin ko nito? Hindi ko pwede sabihin ang totoong nangyari dahil hindi naman nila alam na nagtatrabaho ako sa bar. Oh, gosh!

"Hey, you!"

"Grabe ang gwapo talaga ni Storm, Hannah 'no?" Sabi ni Green na may kasama pang hampas.

"Hey!!"

"Kaya nga Green! Super duper handsome!" Sagot naman ni Lourie. Nagkakasundo talaga sila 'pag dating sa gwapo. Haaay.

"Hey!! You!!" Teka nga, may tumatawag ba sakin? Lumingon ako sa likod pero wala naman. Ah, wala siguro, akala ko lang siguro 'yun. Hindi ko na sana papansinin kaso may biglang lumapit sakin.

"You. Are. Bitch." Natahimik ako dahil sa sinabi nya.

Tumayo si Green "Are you talking to yourself?" Sabi niya para ipagtanggol ako.

Ang totoo nyan, natamaan ako sa sinabi nya. Sapul na sapul ako. Isa akong babaeng nagtrabaho sa bar, nagpabayad para lang mai-table, muntik ko na ngang ibenta ang katawan ko e. Hindi ba bitch ang tawag dun? Siguro nga bitch ako, siguro nga.

"Of course not! 'yang kaibigan mo ang malandi! Tell me, what about that 'last night' thingy? Anong ginawa nyo ni Storm?!" Sigaw nya, lahat nanaman tuloy nakatingin samin.

"Aba't sumusobra ka na ah! Hoy ikaw! Wala kang pakialam sakanilang dalawa! Malisyosa kang bakla ka!" Sigaw ni Green, pinipigilan sya ni Lourie, samantalang ako, heto nakaupo at walang masabi.

Seducing Mr. Pervert (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon