62: It hurts.

43K 893 116
                                    

This chapter is dedicated to you.

~~~~~

Sometimes we push others away for fear of getting hurt. Sometimes we push them away to see if they love us enough to pull us back in.

Chapter 62: It hurts.

Hannah's POV

Nakayuko ako sa dalawang tuhod ko habang yakag yakap ko ang mga ito. Kanina ko pa pinipilit matulog pero hindi talaga ako makatulog.

"Haaay"

Naiisip ko yung kanina, yung nakita ko kanina dun sa may car park. Nakita ko kasi si Ms. Natty, and guess what? She's talking to Storm.

"Hindi ako nagseselos ah" Sabi ko habang nakatingin ako kay Stormy.

"Hindi talaga"

Hindi naman 'to selos diba? Hindi talaga ako nagseselos. Medyo nainis lang ako nung hinayaan ni Storm na... Ah basta! Hindi talaga ako nagseselos. Ano lang 'to, inis lang. Swear, inis lang talaga 'to.

"Hindi nga sabi ako nagseselos eh!"

Haay baliw na yata ako, kanina kasi si Stormy ang kinakausap ko ngayon naman si Hanny. Badtrip kasi eh, psh.

At dahil nga hindi ako makatulog, nagpasya akong tumayo at lumabas ng bahay. Naglakad lakad ako sa kung saan saan, alas diyes pa lang naman kaya okay lang. Hanggang sa napadpad ako sa Ministop, bumili na lang ako ng cup noodles at saka ako kumain.

Kasalukuyan akong kumakain nang bigla na lang may isang lalakeng umupo sa tabi ko. Inilapag nya pa sa tapat ko yung isang bottled water at saka...

"Kamusta ka..."

Oh. My. Gee.

"...girl in the resto?"

Anong ginagawa nya dito? Saka girl in the resto? Hindi ba ako nagpakilala sa kanya para tawagin nya akong girl in the resto? Ang abnormal lang.

"Hannah" Sabi ko sabay subo ng noodles.

"Hannah?" Ganti nya.

"Ang sabi ko... Hannah. Hannah ang pangalan ko, hindi girl in the resto."

"Alam ko"

"Psh" Medyo abnormal sya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya habang kumakain din ng cup noodles. Psh. Gaya gaya.

Seducing Mr. Pervert (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon