4: Thank You.

166K 1.5K 75
                                    

This chapter is dedicated to you my dear. Thank you for reading, Godbless you! :*

 

A True friend is someone you can have fun with, lean on when times are hard, tell them anything and not have to worry about them judging you.

PREVIEW:

"Obvious na na-stun sila samantalang ako obvious na iniiwasan sya."

Chapter 4: Thank You.

Hannah's POV:

"S.. Storm?" Napahinto ako at parang bigla akong nanigas mula sa kinatatayuan ko. Si Storm nga ba ito? Parang mas lalo ko tuloy gustong maiyak.

Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa, hanggang sa mapatingin sya sa dibdib ko. Dun ko lang naalala na nakatiwangwang pala yung dibdib ko dahil sa manyak na 'yun!

Napakagat na lang ako sa labi ko dahil sa naghahalong tensyon at kaba na binibigay sakin ni Storm.

Hinubad nya ang jacket nya at laking gulat ko ng isuot nya 'yun sakin. Hindi sya nagsalita, instead, kinuha nya ang kamay ko at hinigit ako palayo sa kwartong akala ko tatapos ng buhay ko.

Mabait naman pala sya e, mga .01 ng 100%.

Dinala nya ako sa parking lot at pabagsak ng binitiwan ang kamay ko. Naiiyak pa din ako pero hindi na katulad ng kanina.

"Explain" Masungit na sabi nya. Napanganga na lang ako. Explain? Sakanya? For what? Tatay ko sya?

"Thank you" Sabi ko sabay talikod. Hindi ko kailangang ipaliwanag ang lahat dahil alam kong wala naman syang pakialam.

Lalakad na sana ako palayo kaso bigla nyang hinawakan ang kamay ko dahilan para mapatigil ako.

"Explain" Sabi nya sabay iwas ng tingin.

"Explain what? Lahat ng nakita mo totoo, hindi ko na kailangang ipaliwanag ang sarili ko" Sabi ko sabay talikod, lumakad na ako at, this time hindi nya na ako pinigilan.

Huminto ako at muling humarap sakanya, "Salamat Storm." Sabi ko pero hindi na sya sumagot pa. Tss. Asa pa ako diba?

~~

Humahangos akong dumating sa ospital, maayos na ang suot ko dahil nakapagpalit na ako ng damit. Nakita ko si Chester na pinapakain si Kevin-ang bunso kong kapatid.

"Chester patawad, hindi ko na alam ang gagawin ko.." Patakbo akong yumakap sakanya.

"Ate, bakit ka po umiiyak?" Tanong ni Kevin.

"Wala Kevin, wala. Hayaan mo na lang muna si ate na umiyak."

Hinawakan ni Chester ang kamay ko saka muling nagsalita, "Ate, 'wag ka ng mag-alala, bayad na ang bill natin, at naumpisahan na din ang operation ni papa."

Seducing Mr. Pervert (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon