49: Bastard and Jerk.

85.2K 1.1K 236
                                    

Warning: Unedited, disedited, notedited, at misedited. HAHAHA! Lol. Ikabit nyo na lahat ng prefix basta HINDI ito edited kaya madaming errors. Madami din tong mura kaya humanda ka. HAHAHA! K? Judge this chapter pleaseee? Magcomment ng mahaba at madami. Lol2x. Demanding ako ngayon sareeeeeeh :P

This chapter is dedicated to KpaynnAJPM :D

*****

The best thing in life is finding someone who knows all your mistakes and weaknesses and still thinks you're completely amazing.

Chapter 49: Bastard and Jerk.

Ck's POV

Nakaupo ako sa bandang likod ni Heaven, kanina ko pa sya tinitignan habang sya naman kanina pa nakatingin sa labas ng bintana. Naayos na nga pala yung gulong ng van ni Cloud kaya ayun, pauwi na kami.

"Ck palit tayo?" Sabi ni Jc.

"Ha? Bakit?"

"May sasabihin kasi ako kay Green."

Actually gusto ko talagang magpalit kami kasi katabi nya si Heaven, kaso nahihiya ako eh. Baka isipin ni Heaven ef na ef ko ang tumabi sa kanya, though totoo naman ng konti.

"Sige na Ck please"

"Dali na bakla!" Sabi naman ni Green.

"Ehh..."

"Pagkakataon mo na 'yan!" Bulong nya pa.

"Tsk. Tayo na lang ang magpalit, Green"

Oh em gi! Hindi nga? Si Heaven ba talaga yung nakikipagpalit kay Green? Emegesh. Emegesh. Emegesh.

"Sure fafa Heaven!" Sabi ni Green sabay kindat pa sa 'kin. Pati sila Jd at Jc nakikindat na din.

Huwag kayong ganyan baka mahalata ako. :P Nasa pinakadulo kasi ako nakaupo eh, sa harap ko si Heaven tapos katabi nya si Jc. Sa harap naman ni Heaven si Jd na katabi si Sky, tapos si Cloud solo dun sa unahan habang nagdadrive.

Halos tumalbog na yung puso ko dahil sa sobrang kaba nung umupo na sa tabi ko si Heaven. Pareho kaming walang imik habang yung mga tao naman sa harap namin tinitignan kami ng nakakaloko.

Shemey. Ang hirap kapag alam ng mga kaibigan mo kung sino ang crush mo. Dahil sa kanila kaya ako mabubuko neto.

At dahil mga abnormal nga yung kaibigan ko, nagiwas na lang ako ng tingin at binaling ko ang atensyon ko sa labas ng bintana. Bawat madaanan namin tinitignan ko, ang awkward kasi kung titingin ako ng tuwid eh. Tumatalbog kasi yung puso ko everytime na mahahagip ng mata ko si Heaven.

Seducing Mr. Pervert (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon