35: I love you?

109K 1.1K 98
                                    

Warning: Waley ang chapter na 'to. Anyways, belated Happy Valentine’s day! :)

This chapter is dedicated to MissAbsolute. Sorry natagalan ang pagdedic. Godbless you!

Thank you nga pala kay Lyahn Jeramae! Sya yung nagsuggest ng song na Tongue Tied :)

~~

It's okay if you mess up, you should give yourself a break.

Chapter 35: I love you?

Ck's POV

Naglalakad ako magisa sa dalampasigan ng makita kong may taong nakaupo sa buhangin. Teka, si...

"Heaven?"

Tawag ko ngunit hindi nya ako nilingon o pinansin man lang, seryoso lang syang nakatingin sa malayo.

Umupo ako sa tabi nya at gaya ng ginagawa nya, tumingin din ako sa malayo kahit na wala talaga akong makita dahil madilim na.

"Minsan masarap ding magisa" Sabi ko pero hindi pa din sya nagabalang lumingon.

"...pero masarap kapag may kasama" Dagdag ko pa.

Bigla naman syang napatingin kaya napatingin na din ako sakanya.

"Ako nga pala si Charles Kelly Lim. Ck for short."

Inextend ko ang kamay ko para sana makipagshake hands kaso hindi nya 'yun tinanggap, tinignan nya lang iyon na para bang nagtataka.

"We're not properly introduce, kaya nagpapakilala ako. Ako nga pala si Ck." Nakangiting sabi ko.

"I know you"

Hmp. Ang sungit naman nito! Pasalamat ka crush kita. Hihi. Kinikilig ako enebe. :">

"Talaga? Akala ko kasi hindi eh."

Ibinalik nya naman ang tingin nya sa dagat tapos kumuha ng isang bato at tinapon iyon sa malayo.

"Leave me alone" Sabi nya kaya natigilan ako.

Totoo pala talaga ang sabi nila, masungit, isnabero, suplado at walang puso si Heaven. :(

"Hindi. Dito muna ako."  Pagmamatigas ko pa.

Tinignan nya akong muli at unti unting nilapit ang mukha sa akin, napaatras naman ako dahil sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

Hanggang sa unti unti ko ng namalayan na napahiga na pala ako sa buhangin.

Seducing Mr. Pervert (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon