20: Under the rain.

147K 1.4K 194
                                    

Warning: This chapter is WET. Lol.

I dedicate this chapter to you Rhorry. Thankyou for reading my dear, have a nice day! :D Tignan nyo yung nasa multimedia, diba ang cute nila? Hihi.

 

~~

Advice is what we seek when we already know the answer but wish we didn't.

Chapter 20: Under the rain.

Hannah's POV

Ilang minuto pa ang nakalipas bago ko naabsorb ang mga pangyayari - ang pagkakaroon ng sagot ng assignment ko, ang pagpasok ni Storm sa kwarto ko, at.. TEKA NGA!

PAANO NYA NGA BA NALAMAN ANG ADDRESS NG MANSYON KO?!

Nakunsensya tuloy ako bigla. Ayan nanaman ih! Nakukunsensya nanaman ako ng dahil kay Storm. Eh paano ba naman kasi, naghintay pala sya sakin kanina tapos sinagutan nya pa yung assignment ko tapos, tapos inaway ko pa sya ng bongga.

At dahil hindi talaga ako mapakali, lumabas ako ng boarding house at naglakad lakad. Hindi ko talaga makalimutan yung nangyari kanina at hindi ko din talaga makalimutan si Storm!

Hindi ko makalimutan yung bwisit na pervert na 'yun! Psh.

Hanggang sa makarating ako sa isang canteen, umupo ako sa upuan at tumunganga na parang nawawalang bata.

"Bakit ba ganito ang nararamdaman ko ngayon? Haaay."

 

Bulong ko saka ko pinatong yung dalawang siko ko sa mesa at nagpangalumbaba.

"Miss anong order mo?" Tanong sakin nung ate pero hindi ko sya sinagot, instead, napatanong na lang ako sakanya.

"Ate, meron po ba kayong gamot dito?" Tanong ko.

Kumunot naman yung noo nya, at feeling ko, iniisip nya ng baliw ako.

"Ineng, canteen ang pinuntahan mo, hindi clinic.." Sabi nya.

"Ay ganun po ba? Pasensya na po, akala ko kasi may gamot dito." Matamlay na sagot ko.

Bigla naman nyang dinikit yung kamay nya sa noo ko, parang may pinapakiramdaman na kung ano.

"Bakit hija? Ano bang sakit mo? Para saan ang gamot? Sabihin mo at baka mayroon ako sa bag" Sabi nya.

"Gamot po para hindi ko na maisip yung taong palaging nasa isip ko.." Seryosong sabi ko.

Akala ko maiinis sya, akala ko papaalisin nya ako, akala ko iniisip nyang baliw ako. Akala ko lang pala, kasi ang totoo nyan iniisip nya ng NAKA-DRUGS AKO.

Seducing Mr. Pervert (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon