CHAPTER 1: The Kidnappers

10.7K 301 36
                                    

ALLISON

Alissonia Yvenin Glaciervan.


My name is on every journal notebooks I own. Trip ko talagang lagyan lahat para ipaalam sa mga taong maaaring makakita nito somewhere na sa akin talaga ito. Kompleto yan, with phone number and address. Wala na silang rason para hindi ito iuwi.


"Kung magkakaroon ka ba ng boyfriend, lalagyan mo din ng pangalan mo?" Napangiti ako sa ala-alang biglang sumulpot sa isip ko. Ewan ko sa kapatid kong si Phoebel bakit niya naitanong iyan. Wala naman akong planong magrisk sa mga nonsense na pag-ibig na yan.


I checked on the mark I have on my right arm. It's like a tattoo or something, I don't know. Ang kwento sa akin ng madreng nakakita sa akin sa paanan ng simbahan ay meron na talaga ako nito simula pa nung sanggol pa lamang ako. Isang buong pangalan na siya naring ibinigay nila sa akin.


You heard it right. Nakita lang ako sa paanan ng simbahan. I was raised in an orphanage and at the age of 6, inampon ako ng pamilyang Oriover. Phoebel's mom almost died when she's pregnant, hindi na siya pwedeng magbuntis ulit. Gustong gusto ni Phoebel ng kapatid kaya ako nasa buhay nila ngayon.


They never changed my last name because I insisted. It's the last thing that will help me remind myself that I am born a Glaciervan.


Hanggang ngayon naman, di ko pa alam sino ang mga magulang ko but I don't bother. Magiging unfair kung ako lang ang maghahanap sa kanila tapos ako kinalimutan na nila.


Sa ngayon, nasa labas na ako dala dala ang DSLR ko, isang pocket na journal notebook at shempre ballpen.


12:00 PM na pero wala pang kababalaghang nangyayari. I marked this day for a special mission. Ewan ko, I just wanted to know about the case of unsolved crime of kidnapping. Wala na kayong magagawa kahit isipin nyung imposible. Naiinip na ako.


I've believed in my self that I can now predict their perfect timing pero parang mali ata ako. How dissapointing. Mangangawit nalang ata ako sa kakatayo dito sa park na ito.


"Alisson." Bulong lang yun pero naririnig ko. Tumama bigla ang malamig na hangin kaya napayakap ako sa sarili ko. That's kinda creepy. Baka naman guni-guni ko lang na may tumatawag sa pangalan ko.


Napalingon ako sa pinanggalingan nang boses na tumatawag sa akin.


"See? Nobody is--" I am shut to silence when I see couples walking around like two magnets unable to split apart.


Right. My imaginative brain is just pestering me.


Tatalikod na sana ako nang may parang nahagip ang mga mata ko. Linapitan ko ang puno at napansin ang lalaking nakasuot ng itim na cloak.


Woah! May costume party ba?


"Allison." Nanayo ang balahibo ko nang marinig ko na naman ang bulong na iyon.


This guy must be trying to freak the hell out of me.


"Hey mister, tinatawag mo ba---" Di na natuloy ang tanong ko sa kanya nang kinain na siya ng itim na usok at mabilis na nawala sa paningin ko patungo sa --di ko alam. I wanna curse like a thousand times and convince myself that I am only imagining things.


I laugh nervously.


"I'm just hungry," sabi ko with a forced smile plastered on my face. Kahit ilang beses ko pang sabihin yun, hindi na mawawala sa isip ko ang nakita ko. Bigla akong kinabahan nang makita ang isang piraso ng itim na parang balahibo ng malaking ibon.


Pinulot ko na yun at tinitigang maigi.


Nabitawan ko naman agad iyon nang biglang dumilim ang paligid. The clouds are moving in circular motion. Akala ko ba nasa eye pa kami ng bagyo ngayon? Napasigaw ako nang biglang kumulog at kumidlat.


Napalingon ako sa mga tao sa paligid. They were all staring at me, as if I am a crazy stranger screaming my lungs out. Parang wala silang nakikita. Nababaliw na ata ako. Bigla bigla nalang parang lutang na lutang ako. I can't remember myself taking any kind of drugs to feel this way.


"ATE!"


Phoebel?


Mas lalo akong natakot sa sarili ko. I'm no longer normal. I'm hearing and seeing things.


"Ate tulong!" Ramdam ko na parang may maling nagyayari. May masamang nangyayari sa kapatid ko. Dinala na ako ng mga paa ko sa motor ko at mabilis na nagpaharurot pabalik ng bahay.


Nakita kong bukas na ang pinto ng bahay namin. Pagpasok ko bumungad sa akin mom at dad na nakayakap sa isa't isa. Takot na takot sila na nakatingin sa itaas, sa kwarto ni Phoebe. My body is trembling but I don't know where else did I got the courage to run to that room.


Si Phoebel, hinihila ng isang halimaw na mahahalintulad sa isang bear na kulay itim , may matatalim na pangil at may pulang mga eyeballs. I'm never brave my whole life but this time, it's like some other Allison is controlling my body.


Hinila ko rin ang kapatid ko palayo sa halimaw na iyon. Yung bracelet na parang rosary niya, parang napapaso ang halimaw nun kaya pala parang hindi niya agad makuha ang kapatid ko.


Lumakas ang hangin na nakapalibot sa akin, inilipad na pati ang DSLR ko pero hindi ako natitinag. My hands slipped.


"Phoebe!" Nabitawan ko ang kapatid ko.


Pilit kong hawakan ang kamay ni Phoebe na inaabot niya sa akin. Pero may humila sa akin at nakapulupot na ang braso niya sa balikat ko.


Pilit kong kumawala pero malakas siya. Now, naiisip ko, if they were the kidnappers mahirap silang hulihin. And my dream will collapse in an instant. Sinong maniniwala sa isang article patungkol sa isang halimaw na kumikidnap?


"Allisonia," bulong niya sa tenga ko at naglakbay naman ang kuryente sa katawan ko. Siya yung lalaki sa puno kanina. Tumigil ako sa pagpupumiglas.


Paano niya ako nakilala?


Ibinaon niya ang mukha niya sa leeg ko kaya sobrang naiilang na ako. His breath brushing my neck feels weird which made me stiffen. I'm never this close to a man. Nakaposas na ang mga kamay ko ng parang usok lang at bigla bigla----the man kissed me on my lips.


BLACKOUT.

***

ʜᴀʟꜰ ᴅᴇᴍᴏɴ (COMPLETED)Where stories live. Discover now