CHAPTER 19: War of Angels

3.5K 127 2
                                    

THIRD


"Wala nang makakatalo sa akin kaya bumalik ka na sa panig namin Wenxehalt," sabi ni Dark.


"Hindi na ako babalik sa panig mo," tanggi ni Wenxehalt sabay hawak sa kamay ng babaeng mahal niya.


"Pwes, pagsisisisihan mo ito!" galit na sigaw nito.


"Walang masamang mananaig!" sigaw pabalik ni Wenxehalt sabay buo ng espada sa kamay niya. Nilingon niya sandali si Allisonia. "Ako na ang bahala sa kanya." Aalis na sana siya pagkatapos niyang sabihin yun ngunit pinigilan siya ni Allison sa pamamagitan ng paghawak sa kamay nito.

She looks worried though she trusts him.


"Ayaw kong mawala ka," naiiyak na sambit ni Allisonia. Agad naman siyang niyakap ni Wenxehalt. "Hindi ako mawawala sayo, Allison." Pagkatapos ibulong ang mga salitang yun ay nawala na ng parang bula si Wenxehalt. Sa isang iglap nasa harap na ito ni Dark.


The Lord versus his former apprentice.


Makikita mo ang dalawang grupo ng anghel sa magkabilang bahagi at nasa gitna si Wenxehalt. "Charge!" sigaw ni Dark. Agad na naghanda ang mga light angels sa atake. Tumulong naman si Allison gamit ang bow at arrow na ginawa niyang nakaseal sa kapangyarihan niya.


Now most of the light angels are calling up for the rapport of them and the Almighty they pray for.


Agad namang ginamit ni Wenxehalt ang buong lakas niya para talunin si Dark kahit sa sobrang laki nito. Dumapo siya sa likuran nito matapos niyang sugatan ang demonyo. Di naman umobra ang mga atake niya dahil gumagaling lang ang sugat nito. Palingon lingon naman si Dark dahil sa di na niya makita si Wenxehalt.


This is a little advantage he got.


Napalingon naman si Allison nang maramdaman niya ang emosyon ni Wenxehalt. Agad niyang binuo ang heganteng arrow at tinama sa mata ni Dark. Napasigawito sabay tanggal dito. Nilingon niya si Allison kasabay ang paggaling ng sugat sa kaliwang mata nito. Itinaas naman agad niya ang kamay niya na para bang nagsusummon ito ng iba pang kasama.


This war won't be over if that's the case.


Kahit marami pang lumalapit kay Allison na mga dark angels ay nasa ama niya parin ang atensyon niya, tinatamaan naman niya ang sumusulong sa kanya kahit di niya tinitignan. Nang makahanap ng chempo, lumapit na siya kay Dark.


"Allison, mapapahamak ka!" sigaw ni Wenxehalt. Narinig iyon ni Dark kaya nalaman niya kung nasaan si Wenxehalt. Pinaapoy nito ang sarili kaya agad na lumipad si Wenxehalt para humarang sa harap ni Allison. "Umalis ka na Allison," matigas na sabi niya.


Lilipad na sana paalis si Allison pero hinarangan siya ng apat na taong mahalaga sa kanya. Her adoptive parents, Phoebel, and her bestfriend, Cristaline. Tumawa si Dark. "Oras na para makita ang madilim na panig mo Allison. Kalabanin mo ang mga kahinaan mo."


"Hayop ka Dark!" gigil na sambit ni Allison na tamang tama lang para marinig nito.


"Allison, kung ayaw mong patayin sila, ilagan mo na lamang ang mga atake nila. Ang kaluluwang nasa mga katawan nila ang nararapat mong patayin," wika ni Wenxehalt.


"Paano?" naiiyak na nagpapanic na tanong ni Allison.


Inatake naman agad ni Dark si Wenxehalt para hindi masagutan ang tanong ni Allison. Tinitignan palang ni Allison ang mga taong mahalaga sa kanya ay naiiyak na siya. She doesn't know what to do in front of them.


Mas lalong naiyak si Allison nang atekehin siya ng mga ito. "Tumigil na kayo, please," paulit ulit na sambit niya kasi hindi tumatalab ang freeze spell na ginagamit niya para sa mga ito.


Gaya ng sabi ni Wenxehalt, iniilagan lang niya ang mga atake ng mga ito. Lumapit naman si Stanfer at Jushua sa kanya para atakehin ang mga ito pero pinigilan agad ni Allison. "Wag! Ako na ang bahala sa kanila, umalis na kayo!"


Abala naman sa pakikipaglaban si Master Heteu nang bigla niyang narinig ang boses na pamilyar sa kanya."Ama." Natigilan siya sandali.


"Rosevina," bulong niya.


Bumalik naman sina Stanfer at Jushua sa pakikipaglaban sa mga dark angels na para bang hindi nauubos.


Patuloy sa pakikipaglaban si Wenxehalt kay Dark. "Baka nakakalimutan mo Wenxehalt, alam ko rin ang kahinaan mo," sabi ng demonyong si Dark. Biglang nakaramdam si Wenxehalt ng kirot sa likuran niya dahilan ng pagbagsak niya sa lupa. Tumawa si Dark dahil sa tuwang nararamdaman. "Isa lang ang ibig sabihin nito, buhay pa ang sumpa na nasa iyo."


"Alam ko rin ang kahinaan mo," sigaw ni Wenxehalt kahit namimilipit siya sa sakit na nararamdaman niya. Malala pa ang sakit na yun sa mga sugat na natamo niya.


"Wala akong kahinaan," natatawang sambit nito. Sumuka na ng dugo si Wenxehalt. Hindi na umuobra ang healing spell ni Wenxehalt dahil sa nakaseal na sumpa sa kanya. Isang palatandaan ang tattoo na nasa likuran niya. Napaisip si Wenxehalt sa maaring gagawin niya.


Hirap na hirap naman si Allison. Hindi niya alam bakit hindi nagheheal ang mga sugat niya na natamo niya sa apat. Mas lalo pa siyang nanghihina dahil sa emotional torture na nararamdaman niya. Pagod na rin siya sa loob man o labas.


Dinaan na niya sa sigaw lahat ng hinanakit niya at nagkawala ng nakakasilaw na liwanag. Nasilaw ang apat at unti unti nang namatay ang kaluluwang may kontrol sa mga katawan nito.


Nagtaka naman si Allison kung paano niya nagawa iyon. Now the bodies are empty and lifeless. Napalingon siya kay Wenxehalt na hirap na rin. Mas lalo siyang napaiyak. Agad naman siyang lumipad patungo kay Wenxehalt nang makitang hindi na ito halos makagalaw at nakataas na rin ang kamay ni Dark na handang saksakin si Wenxehalt ng malaking nag-aapoy na punyal.


"WENXEHALT!" sigaw niya.

***

ʜᴀʟꜰ ᴅᴇᴍᴏɴ (COMPLETED)Where stories live. Discover now