Chapter 10: Sealed

4.4K 172 3
                                    

ALLISON


Pagmulat ng mga mata ko, balik na naman ako itim na kama kaso nasa gitna ito ng elivated na lugar. Ginalaw ko ang mga kamay ko kaso nakakadena na naman ito.


This place is always making me feel helpless.


"Wenxehalt!" tawag ko.


Di naman ako nabigo kasi dumating agad siya. Tinignan ko siya at nabigla sa nakita. Itim na ang bawat sulok ng mga mata niya at sobrang seryoso ng mukha niya, demonyong demonyo na ang dating niya.


"Anong nangyari sayo?" tanong ko.


Hindi siya sumagot. Nakatayo lang siya na parang statwa sa gilid ko at di ko alam saan siya nakatingin. He seemed possessed. This man can't be Wenxehalt. He's too hollow, empty and blank.


"Hindi na si Wenxehalt ang kausap mo Allisonia," sabi ni Dark habang tumatawa. Nagpakita na siya sa akin. Nasa kabilang gilid siya. I am right.


"Anong ginawa mo sa kanya?" galit na tanong ko.


"Kontrolado ko na ang katawan niya. I casted a dark spell against his hardheadedness," sagot naman niya. "You are smart my child. You have taken his heart very easy."


"Bakit mo ginawa yun?" tanong ko ulit na nangangalaiti na.


"Dahil--" Sumama ang tingin niya sa akin. "-- nilalason mo na ang utak niya!" galit sa sigaw niya.


Tumalikod na siya. "Get ready for the binding ritual. Mamadaliin natin para di tayo maunahan ng mga Light Angels," sabi nito kay Wenxehalt.


Nagbow lang si Wenxehalt at umalis na sila pareho.


Naiwan akong mag-isa at natatakot. Iniisip ko palang ang binding ritual na yun, parang di ko na matanggap pag naging Dark Angel na talaga ako.


I don't have a single clue what will happen next.


Tumulo na lamang ang mga luha ko. Maya maya may lumapit sa aking babae na naka-red chiton kasama ang dalawang ogres. Habang kinakalagan nila ako nanlaki ang mga mata ko nang matanto ko kung sino ang babae.


"Phoebel!" Naluluhang sambit ko sa pangalan niya at niyakap siya. Parang wala lang sa kanya ang ginawa ko kaya kumalas na ako at tinignan ang mukha niya. Napabitaw ako nang matanto na di na siya ang kapatid ko. She is also hollow and being controlled by something else.


"Hayop ka Dark!" galit na giit ko.


Hinila na nila ako at ipinasok na naman sa isang kulungan. Yung kinulungan nila sa akin dati.


ʜᴀʟꜰ ᴅᴇᴍᴏɴ (COMPLETED)Where stories live. Discover now