Chapter 21 Completed Version

2.4K 65 0
                                    

THIRD


"Ama," muling sambit ni Rosevina sabay yakap dito samantalang ang dalawang anghel sa likuran niya ay lumuhod at yumuko lamang.


"Paano kayo nabuhay?" naguguluhang tanong ni Master Heteu sa anak nang kumalas ito sa yakap.


Lumingon ang tatlo kay Wenxehalt. Napakunot-noo naman si Wenxehalt dahil sa kakaibang aurang nararamdaman niya mula sa dalawang anghel, isang babaeng na dark angel at lalaking light angel.


"Anak." Sabay sambit ng mga ito at lapit sa anak nilang si Wenxehalt.


He doesn't know what to feel by now but this is a good news.


Parang nastatwa lang siya sa narinig. Nang magkamalay siya sa mundo ng mga anghel ay wala siyang kinikilalang ama at ina. Si Dark lang ang tinuring niyang master at ni minsan hindi niya naramdaman ang kakaibang emosyon na pumaibabaw sa kanya ngayon. Parang nagslommo lahat nang lumapit ang ama't ina niya sa kanya at yumakap sa kanya.


Niyakap niya ang mga ito pabalik kahit naninibago siya. Kahit papano'y naibsan ang kalungkutang nararamdaman niya dahil sa pagkawala ng babaeng unang minahal niya ng sobra sobra.


Life can go on but he feels like it's unacceptable without her by his side.


"May tatapusin lang ako," seryosong sabi niya at kumalas sabay harap kay Dark. Nanghihina narin si Dark dahil sa paglaban nito sa kapangyarihan ng maylikha sa kanya. Para itong nasusunog at bumubuga ng maraming itim na usok ang katawan nito.


"Oras na para mamatay ka Dark Glaciervan!" galit na sambit ni Wenxehalt at sinimulang buohin sa kamay niya ang pinakamalakas na gray flame ng legendary breed. "Buhay para sa buhay!" gigil na bulong niya.


Humarang naman si Rosevina. "Wenxehalt wag." Pigil nito.


"Anong ibig sabihin nito?" nalilitong tanong ni Master Heteu nang makitang niyakap ng anak ang demonyong si Dark.


"Mahal ko siya," umiiyak na sambit ni Rosevina.


Nanlaki ang mga mata ni Master Heteu sa narinig.


"Anong--? Akala ko ba--"


"Hindi si Dark ang kumokontrol sa katawan niya, dalawa silang kaluluwa at nangingibabaw ang maylikha sa kanya dahil yun ang purpose bakit siya binuhay."


Hindi na tinuloy ni Wenxehalt ang plano niya kahit galit na galit na siya. "Pinatay niya ang sarili niyang anak," nagpipigil na sabi niya.


"Hindi." Ang tanging nasambit ni Rosevina sabay iyak nang iyak. Si Dark naman patuloy sa pagwawala. Nilalabanan nito ang nangingibabaw na kaluluwa.


"Hindi ko man lang siya naabutan," malungkot na sambit ni Rosevina.


ʜᴀʟꜰ ᴅᴇᴍᴏɴ (COMPLETED)Where stories live. Discover now