Chapter 3: Mission

8.4K 257 31
                                    

ALLISON


'--my child.'


Sobrang tagal nasink in sa utak ko yung sinabi niya dahil sa bigla. Sobrang daming tanong sa isip ko na gusto kong itanong.


"Ano?" I asked displaying a very confused face.


"Rosevina Angecus' child. Our child."


"Sinong Rosevina Angecus? Sino ka? Anong pinagsasabi mo? At-- At nasaan ako?" Tinabig ko ang kamay niyang nakahawak sa pisngi ko. I don't know where I find some of this braveness I have now. I am literally talking to a demon.


"Nasa underwold ka Allisonia. Dito tinatapon ang lahat ng mga anghel na inabandona na dahil sa pag-aalsa. Siya si Lord Dark Glaciervan at si Rosevina Angecus ay dating bihag dito." The apprentice answered all of my questions habang lumalapit sa kinatatayuan namin.


"At sino ka naman?" pasigaw na tanong ko na nagpahinto sa kanya.


Napangisi siya at ibinaba ulit ang cloak niya.


"I am Lord Dark's apprentice, Wenxehalt Hollow, and I'm bethroded to you."


Nanlamig ang katawan ko sa narinig. Hindi ko kayang paniwalaan ang mga pinagsasabi nila. Hindi ko matanggap ang sinasabi ng Lord nila na anak daw niya ako at higit sa lahat ang sinasabi niyang half demon ako. Let's add the fact about the betrothal. Excuse me? May ganun sa lugar na ito?


"Pinagloloko niyo ba ako, ha?"


" I have no other choice. Sent her to prison!" utos ng lord kay Wenxehalt.


Itinaas naman agad ng apprentice niya ang kanang kamay at pinalutang ako sa ere. Hindi ako makagalaw o kahit makaangal sa ginagawa niya. Parang may pwersa na pumipigil sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang may blackhole na nabuo sa harap ko at hinihigop ako nito. Hindi ako makasigaw. Huli kong nakita si Phoebel bago ako kainin ng kadiliman.


***

THIRD


Hindi na alam ni Allisonia jung saan siya mapupunta nang kainin siya ng blackhole na ginawa ni Wenxehalt. Nawalan na lamang siya ng malay nang tuluyan na siyang mahigop nito.


Napahalakhak naman ang Lord kahit alam niyang kulang ang kaluluwang nahigop niya sa natatakdang araw na yun. Natutuwa siya nang malaman na pinaubaya sa kanya ng tadhana ang anak niya. Isa lang ang naisip niya, mananatili siya sa underwold dahil matutuloy na ang kanyang plano.


Ang planong sakupin ang teritoryo ng mga Light Angels at ang Heavenly Kingdom. Gagamitin niya ang kapangyarihang nasa anak niya para gawing dark angels lahat ng mga light angels. Kung mangyayari yun, ang Heavenly Kingdom na alam nila ay magiging kadugtong na ng empyerno.

ʜᴀʟꜰ ᴅᴇᴍᴏɴ (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن