CHAPTER 21: The Reality

3.2K 95 1
                                    

KINDLY SKIP THIS PART. SORRY FOR THIS MATTER. PROCEED TO THE COMPLETED VERSION. IT'S VISIBLE, YOU CAN SEE IT ON THE PARTS AVAILABLE.

Author's POV

"Ama." Muling sambit ni Rosevina sabay yakap dito samantalang ang dalawang anghel sa likuran niya ay lumuhod at yumuko lamang.

"Paano kayo nabuhay?" Naguguluhang tanong ni Master Heteu sa anak nang kumalas ito sa yakap.

Lumingon ang tatlo kay Wenxehalt. Napakunot-noo naman si Wenxehalt dahil sa kakaibang aurang nararamdaman niya mula sa dalawang anghel, isang babaeng na dark angel at lalaking light angel.

"Anak." Sabay sambit ng mga ito at lapit sa anak nilang si Wenxehalt.

Parang nastatwa si Wenxehalt sa narinig. Nang magkamalay siya sa mundo ng mga anghel ay wala siyang kinikilalang ama at ina. Si Dark lang ang tinuring niyang master at ni minsan hindi niya naramdaman ang kakaibang emosyon na pumaibabaw sa kanya ngayon. Parang nagslommo lahat nang lumapit ang ama't ina niya sa kanya at yumakap sa kanya.

Niyakap niya ang mga ito pabalik kahit naninibago siya. Kahit papano'y naibsan ang kalungkutang nararamdaman niya dahil sa pagkawala ng babaeng unang minahal niya ng sobra sobra.

"May tatapusin lang ako." Seryosong sabi niya at kumalas sabay harap kay Dark. Nanghihina narin si Dark dahil sa paglaban nito sa kapangyarihan ng maylikha sa kanya. Para itong nasusunog at bumubuga ng maraming itim na usok ang katawan nito.

"Oras na para mamatay ka Dark Glaciervan!" Galit na sambit ni Wenxehalt at sinimulang buohin sa kamay niya ang pinakamalakas na gray flame ng legendary breed. "Buhay para sa buhay!" Gigil na bulong niya.

Humarang naman si Rosevina. "Wenxehalt wag." Pigil nito.

"Anong ibig sabihin nito?" Nalilitong tanong ni Master Heteu nang makitang niyakap ng anak ang demonyong si Dark.

"Mahal ko siya." Umiiyak na sambit ni Rosivina.

Nanlaki ang mga mata ni Master Heteu sa narinig.

"Anong--? Akala ko ba--"

[CUT SCENE]

Napasigaw na si Dark dahil sa sakit ng nararamdaman niya. Nagising ang tunay na Dark sa kaloob looban nito at nakikipagkompetensiya sa may kontrol ng katawan niya. Lumayo si Rosevina nang bahagya dahil sa gumagalaw na ito. Hindi tulad kanina na nakahawak lang ito sa ulo. Kitang kitang nasasaktan ito at iba iba na lamang ang posisyon.

"Dark, andito na ako. Nakalabas na kami. Lumabas ka na rin pakiusap. Alam kong kaya mo yan. Alalahanin mo ako. Ang mga pinagsamahan natin. Kung paano natin minahal ang isa't isa. Gawin mo kaming lakas ng anak mo." Bulong ni Rosevina kahit malayo layo na siya. Ginamit lang niya ang spell na kahit malayo layo siya ay maririnig parin ito ni Dark.

"AAHH!" Patuloy na sigaw nito.

Tumibok na ang puso nitong matagal na sanang tumigil sa pagtibok. Hudyat na gising na nga ang tunay na Dark ngunit hindi pa lamang nito natatalo ang kaluluwang magnanakaw ng katawan, ang maylikha sa kanya.

"R-Rosevina." Unang nasambit ng tunay na Dark.

[CUT SCENE]

"Anong ginagawa mo?" Biglang tanong ng isang familliar na boses sa akin. Palingon lingon ako pero hindi ko siya makita. Bigla bigla na lamang may nabuong usok sa harap ko na unti unting nagiging kamukha ko. Kopyang kopya nito ang buong hugis ng katawan at ang korte ng bawat parte ng mukha ko maliban lang sa kulay ng mata. Kulay itim ang lahat ng sulok ng mga mata niya. Bigla kong naalala lahat.

"Ama." Biglang nasambit ko.

***

Author's note:

ABANGAN.

Matatalo kaya ni Dark ang maylikha sa kanya?

@ai

ʜᴀʟꜰ ᴅᴇᴍᴏɴ (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu