THE EPILOGUE

4.1K 102 4
                                    

WENXEHALT


Lumipas ang ilang oras, wala paring nangyayari. Hindi ko na mapigilan ang sobra sobrang kalungkutan sa dibdib ko. Wala na akong pakialam kahit ano pang sabihin nila, hinayaan ko na ang mga luha kong tumulo habang niyayakap ang katawan ng babaeng mahal ko.


"Patawarin mo ako Allison kung masyado akong matagal. Sinisisi ko lahat to sa sarili ko. Wala akong nagawa para sagipin ka," bulong ko.


"Halikana Wenxehalt. Tama na yan," malungkot na sabi ni ina.


Umiyak narin ang ina ni Allison habang lumalapit ito sa gitna kung nasaan nilagay ang bangkay. Dahan dahan ko na siyang binitawan habang patuloy na tumutulo ang mga luha ko.


The whole place was bound with sadness.


Umalis na ako at hinayaan na ipalabas lahat ng sama ng loob ko sa kabilang floating island na halos sirain ko na. Alam kong hindi na maibabalik si Allison anumang gawin ko dito pero wala na akong pakialam. Galit na galit na ako. Galit ako sa sarili ko. Galit ako sa pagkakataon. Galit ako sa tadhana.


Hingal na hingal na ako matapos kalbuhin ang buong island kaya napahiga ako. Sinigaw ko lahat ng sama sa kaloob looban ko pero kulang. Kulang parin.


THIRD


Binalik na nila sa dati ang set up sa floating island kung saan ililibing si Allison. Hindi matigil sa pag-iyak ang ina nito dahil sa hindi man lang niya nakapiling ang anak niya.


"Ako ang dapat sisihin sa lahat ng ito," sabi ni Dark.


"Walang may kasalanan dito. Sadyang oras na niya para lumisan sa mundo natin." Umiiyak na sambit ni Rosevina habang nilalagyan ng pulang rosas ang kamay ng anak sa loob ng kabaong.


"Wala akong kwenta," dagdag ni Dark.


"Tama na, pakiusap."Rosevina.


Tumalikod na sila galing sa kabaong para paghandaan ang seremonyas ng paglilibing. Sa mismong pagtalikod nila gumalaw ang isang daliri ni Allison.


***


"Mukhang hindi mo pa oras," sabi ng matanda kay Allison nang umupo na ito sa tapat niya.


"Ho? Anong ibig niyong sabihin?" nagtatakang tanong ni Allison. Bigla na lamang siyang nagliwananag at unti unting nasilaw. Napapikit siya at maya maya bigla niyang naamoy ang bango ng isang bulaklak na rosas.


***


Natapos na ang paghahanda at nagsipunta na lahat ng anghel sa floating island na pagdadausan ng seremonyas. Unang lumapit si Wenxehalt na halos matumba na sa panghihina. Nagising lahat ng cells niya nang makitang walang laman ang kabaong.


"Nasaan si Allisonia?" pasigaw na tanong ni Wenxehalt na siyang dahilan bakit nagkagulo ang lahat.


"Hanapin niyo ang katawan ni Allisonia!" utos ni Master Heteu sa mga warriors.


"Calm down Rosevina," pagpapakalma ni Dark kay Rosevina na nagpapanic narin.


"Hahanapin ko rin siya," sabi ni Wenxehalt at agad umalis. Saan saang floating island na sila nagpunta ngunit hindi nila makita si Allison. Sinubukan naman ni Wenxehalt na hanapin ito sa palasyo.


"Allison!" tawag niya dito habang binubuksan ang mga pinto ng mga silid at kwarto sa palasyo.


Bigla niyang naisipan na puntahan ang kwarto nito. Pagdating niya dun laking gulat na lamang niyang lock ito. Ginamit na niya ang teleportation spell para pasukin ito.


"Allison?" Pagkabigla niya nang makita itong mahimbing na nakahiga sa kama. Nakangiti pa ito at nakayakap sa isang unan. Dahan dahan siyang lumapit sa kama para siguraduhing si Allison nga dahil hindi siya makapaniwalang buhay ito.


Gumalaw ito at dumilat. "Wenxehalt. Anong ginagawa mo dito?" tanong nito sabay bangon.


Nakatulala lang si Wenxehalt at hindi sumagot. Tumayo na si Allison.


"Nga pala bakit nasa loob ako ng kabaong kanina ang naalala ko -- o my god! Ako ang --" Hindi na natapos ang sasabihin nito nang yakapin ng mahigpit ni Wenxehalt.


"Buhay ka." Parang nabunutan ng tinik na sambit ni Wenxehalt.


Niyakap siya pabalik ni Allison. Nang kumalas ito agad itong hinalikan ni Wenxehalt sa mga labi.


***


Nagdiwang ng isang linggo ang buong Heavenly Kingdom matapos mabuhay muli si Allison at matapos ang Converting session kay Helen.


"Lolo, pwede bang humingi ng pabor?" tanong ni Allison habang tuwang tuwa pa ang mga anghel sa baba. Nasa terrace kasi sila.


"Ano yun?" nakangiting tanong ni Master Heteu sa apo.


"Gusto kong makita ang pamilya ko sa lupa," nahihiyang sambit ni Allison.


"Kung yun ang gusto mo."


Hindi mapigilan ni Allison na yakapin ang lolo niya. "Bukas na bukas din. Kung gusto mo, pasamahin mo ang tunay mong ina at ama," Dagdag ng pinuno.


***

THIRD


Sobrang saya ni Allison nang makita ulit ang tinuring niyang ama at ina noon. Napunan pa nang makita niya si Phoebel. Napagdesisyunan naman agad niya na dun na tumira kasama si Wenxehalt at bibisita na lamang sila sa Heavenly Kingdom tuwing weekend. Wala naman silang magawa dahil si Allison ang may gusto. Pinagbigyan nila ito na mamuhay ng parang normal sa lupa.


The end.

But is it really the end?

ʜᴀʟꜰ ᴅᴇᴍᴏɴ (COMPLETED)Where stories live. Discover now