Chapter 25 Completed Version

2.3K 66 0
                                    

WENXEHALT

"Can't touch nor see

Nor taste nor smell

Not a thing, sans everything

Only one sense determines

Nature thus you have this

A reason brought you

to peril unto"


Hindi ko maintindihan.


"Could it be wind?" tanong ni ama.


"Two chances left," sabi bigla ng mga Elemental Angels.


"Teka hindi pa yun sagot," reklamo ko.


Hindi naman kumibo ang mga guardians.


"Emotions," sabi ni ina sa mga guardians.


"Last chance."


Kinabahan na ako at napatalikod para mag-isip. "Anak, nasayo na ang huling pag-asa," sabi ni ama.


Paulit ulit kong binabalik sa utak ko ang riddle na yun. Nakakainis. Wala man lang akong maisip ni isang sagot. Napapikit na lamang ako. Nakita ko si Allison.


'Allison,' tawag ko sa kanya sa isip lang.


"Can't touch nor see

Nor taste nor smell

Not a thing, sans everything

Only one sense determines

Nature thus you have this

A reason brought you

to peril unto," pag-uulit ko sa bugtong.


"It's already 1:00AM," bulong ni ina na dinig ko naman.


"Are you giving up?" tanong ng angels.


"Hindi. Hinding hindi." Sagot ko at nag-isip pa ng ilang oras.


"Cant touch nor see nor taste nor smell," bulong ko habang iniisip si Allison bilang lakas ko. "Not a thing, sans everything. Only one sense determines."


Naramdaman ko ang puso ko at narinig ang tibok nito.


"Could the heart give the answer or is the heart the one which can sense?" Pagpapatuloy ko. Kinalma ko ang sarili at nagfocus.


"Nature thus you have this. A reason brought you to peril unto."


"I have the nature to love and it brought me here. It is the reason why I am here." Unti-unti na akong humarap sa kanila. "Even it means life and death. Even how perilous it may be. Even how dangerous."


"Final answer?"Elemental Angels.


"Love," sagot ko. "It is love because I am doing this because of the woman who is almost dying. The woman I love."


"Good." Yun lang at nawala sila. Nasa kamay na ni ina ang libro.


"It's almost 3:00 AM. Dalian na natin," sabi ni ama at agad agad na kaming lumipad paalis sa lugar na iyon. Natigilan kami nang makita ang kwebang natabunan na ng malalaking bato. Dun lang ang tanging daan palabas at papasok ng lugar na ito.


"Hindi," tanging nasambit ko.


"Teleportation spell. Nandito sa libro na kaya mo itong gawin anak," sabi ni ina habang binabasa ang libro.


"Hindi ko alam yun," nagpapanic na sabi ko.


"Kalma anak. Basahin mo nalang itong spell." Pinakita na ni ina ang spell na nakasulat sa libro. Sobrang haba nito at parang aabutin pa kami ng isang oras. Agad kong binasa ang mga nakasulat at dinama ang kapangyarihan ko. Habang binabasa ko iyon, unti-unting nagliliwanag ang paligid.


"...teleport." Huling word na binasa ko at sa isang iglap nasa labas na kami ng Heavenly Kingdom.


"It's already 6:00AM. Dalian mo anak, bago matamaan ng araw si Allison!" sabi ni ina.


"Anong gagawin ko?" tanong ko.


"Itong punyal. Sugatan mo ang pulso mo at ipainom sa kanya!" Natataranta narin si ina. Agad kong kinuha ang punyal at lumipad patungo sa floating island kung saan nilagay nila si Allison.


Binilisan ko pa ang lipad ko nang matantong parang hinahabol na ako ng liwanag ng sikat ng araw. Naisipan ko nalang na sugatan ang pulso ko habang lumilipad. Nang nasa floating island na ako agad akong tumakbo patungo sa kabaong. "Tabi!" sigaw ko.


Now, I don't care how they see me. I'm not on myself and it's killing me.


Dahil sa pagmamadali, biniak ko na ang kabaong at pinainom agad kay Allison ang dugo ko. Kasabay ng pagtulo ng dugo ko sa labi niya ang pagtama ng araw sa mukha niya.


"Allison," bulong ko sabay haplos sa makinis niyang pisngi.


***

ALLISON


Galing sa isang Chamber lumabas na ako at nagtungo sa isang napakagandang ilog. Nasaan kaya ako? Sobrang tahimik kasi dito. Napatingin ako sa sout kong puting dress, wala akong matandaang nangyari sa akin kaya hiñdi ko rin alam saan galing ang dress na ito. Nang makarating ako sa ilog biglang may bangkang tumigil sa harap ko. Isang matandang magsasagwan ang nakita kong nakasuot ng puting cloak.


"Sumakay ka na," mahinang sabi nito.


It's nice to have a small tour then. This place is too beautiful to be ignored.


Agad ko namang itinapak ang isang paa ko sa bangka niya. Siguradong masaya to. Mamamasyal lang ako sandali para makita ang ganda ng ilog.


***

ʜᴀʟꜰ ᴅᴇᴍᴏɴ (COMPLETED)Where stories live. Discover now