Chapter 20 Completed Version

2.6K 77 0
                                    

THIRD


"ALLISON!" sigaw ni Wenxehalt.


Natigilan si Dark sa nagawa niya.


Parang nagslommo ang lahat nang makita ni Wenxehalt paano siya hinarangan ni Allison sa kamatayan na sana'y para sa kanya. Parang nawala lahat nang sakit sa katawan niya, lumipat lahat sa puso niya habang sinasalo ang babaeng mahal niya.


Tumulo ang mga luha niya habang yakap yakap ang babaeng unang minahal niya at huling mamahalin niya. Mas lalong sumikip ang dibdib ni Wenxehalt nang makita paano sumuka ng maraming dugo si Allison.


Everyone else stopped.


"Allison please stay. Wag na wag kang susuko. Wag mo akong iwan. Hindi ko kakayanin," bulong ni Wenxehalt habang hawak hawak ang pisngi ni Allison.


"Wenxehalt, anumang mangyari (cough) mahal na mahal kita," bulong pabalik ni Allison sa mahinang boses.


She's closing her eyes.


Dinikit ni Wenxehalt ang mga noo nila sabay pikit. "Mahal na mahal kita Allison, ikaw lang ang minahal ko at ang mamahalin ko ng ganito. Wag kang mawawala, ikaw ang lahat lahat sa akin Allison. Ikaw ang dahilan bakit pinili ko ang tama." Hinigpitan niya ang yakap kay Allison. "Please stay." His fist is clenching.


Unti-unti nang lumiliwanag si Allison, sign na malapit na siyang mamatay.


"No. NO!" sigaw ni Wenxehalt. Hinawakan ni Allison ang pisngi niya. Hinawakan naman ni Wenxehalt ang kamay ni Allison at hinalikan ito sa noo. Tuluyan nang lumiwanag si Allison at dumeretso na sa itaas ang liwanag na iyon. Napasigaw si Wenxehalt sabay yakap sa katawan ni Allison na naiwan sa lupa.


"Bakit siya pa ang kailangang mawala?" His deathly glares daggers back to the demonic monster who killed his woman.


Iniwan niya ang katawan ni Allison sa isang light angel at hinarap si Dark.


"Hayop ka! Pinatay mo ang sarili mong anak. Ngayon, ang kahinaan mo naman ang bubuhayin ko!" galit na sigaw ni Wenxehalt sabay sagawa ng isang spell na siya lang ang may alam.


Walang ginawa si Dark kundi tignan si Allison. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya sa pagkakataong iyon. Parang nawawalan na ng bisa ang fussion niya at ng maylikha sa kanya na tinuturing niyang ama.


Napahawak siya sa ulo niya dahil sa bigla na lamang itong sumakit at napuno ng iba't ibang boses na nagsasalita.


The voice he did not hear a long time ago. The memories the creator has buried down his consciousness are being awakened.


"Dark, mahal kita!"


"Ako ang naglikha sayo, ako ang nararapat mong piliin."


"Magkakaanak na tayo."


"Papatayin ko ang dalawang importante sayo pag sila ang pinili mo."


"Lord, itatakas ko siya."


"Umalis ka na dito bago kami maging isa, bago matapos ang fussion spell."


"Ang maging kaisa ko ay ang dahilan bakit ka nilikha."


Napasigaw si Dark at napaluhod. Kagagawan iyon ni Wenxehalt, binabalik niya ang nakaraang ala-ala ni Dark. Ang hindi alam ni Wenxehalt ay unti-unti naring nawawala ang tattoo sa likuran niya dahil sa ginagawa niyang iyon.


Biglang nawala ang mga gargoyle, titans, dark angels at ang lahat ng kampon ni Dark. Unti unti naring bumabalik ang mga ninakaw na kaluluwa ni Dark sa mga tao. Unti unti narin itong bumabalik sa natural nitong anyo.


"Ama."


Nanlaki ang mga mata ni Master Heteu nang makita ang anak niyang matagal nang nawala sa pag-aakalang patay na ito. "Buhay ka Rosevina, anak."


Sumulpot din ang dalawang anghel na di niya akalaing kasama ni Rosevina.


***

ʜᴀʟꜰ ᴅᴇᴍᴏɴ (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu