Chapter 23 Completed Version

2.2K 61 0
                                    

THIRD


Dumating ang araw na nakuha ni Dark si Rosevina sa Heavenly Kingdom. Iyon ang unang pagtatagumpay ng plano ng maylikha at ang siyang dahilan bakit ito lagi ang napag-uutusan sa iba pang sumunod na mga plano.


Pinadala naman agad ni Master Heteu bilang spy si Jrewick na nagbalatkayong dark angel sa underworld na humahanap lang ng chempo upang maitakas si Rosevina. Dun nakilala niya si Helen na siyang laging nasa gilid ng maylikha. Nagkaroon sila ng pagkakaintindihan sa paglipas ng mga araw habang naghahanda pa ang Underworld para sa susunod na plano.


Sa bahagi naman ni Rosevina, nakakulong lang siya sa isang malawak na chamber kung saan ay si Dark lang ang dumadalaw. Araw araw itong pumapasok sa silid upang pilitin si Rosevina na kumain. Hanggang sa hindi na naging matigas ang ulo ni Rosevina dahil narin sa hatid ng gutom sa kanya.


Habang tumatakbo ang mga araw unti-unting nahulog si Rosevina sa manhid na si Dark sa di malamang dahilan. Napapangiti na siya sa tuwing pumapasok ito sa silid.


"Dark," nakangiting sambit nito.


"Oras na para sa susunod na plano," seryosong sabi nito sabay kalag kay Rosevina.


"Anong gagawin niyo sa akin?" Kinakabahang tanong niya dito.


Nagsmirk lang si Dark. "Ikaw at ako ang bubuo ng legendary breed Rosevina. Ngayon na ang ritual."


Napaiyak si Rosevina habang marahas siyang hinihila ni Dark. Sa mga oras na yun, nagsidatingan narin ang mga light angels dahil sa hindi nagkaroon ng pagkakataon si Jrewich na kunin si Rosevina. Habang nagkaroon ng labanan sa labas ng pagdadausan ng ritwal, pumasok si Jrewich para sana hadlangan ang mangyayaring ritwal pero si Helen ang unang bumungad sa kanya pagpasok niya.


"Helen?"


"Jrewick, isa kang light angel?" pagkabiglang tanong ni Helen kasabay ang pagtulo ng mga luha nito.


"Helen, patawarin mo ako."


Napahawak si Helen sa tiyan niya. Napatingin naman si Jrewich dito.


"Hindi ko maintindihan nung una bakit nagkakaroon ako ng emosyon pero ngayon alam ko na ang dahilan. Dahil ito sa magiging anak natin na may dugong light angel na tulad mo."


"Magkakaanak tayo?" Mas lalong nabigla si Jrewich. Nabitawan niya ang sandatang dala niya at niyakap si Helen.


"Helen, totoo ako sayo. Mahal kita," bulong niya dito.


ʜᴀʟꜰ ᴅᴇᴍᴏɴ (COMPLETED)Where stories live. Discover now