CHAPTER 15: Search

3.5K 147 2
                                    

JUSHUA


"Nasa mortal world sila." Agad kong sabi kina master Heteu at Stanfer pagkagising ko.


Nagpasalamat kami sa panginoon bago kami umalis at isinagawa ang ritual para gumawa ng portal. Hindi namin alam hanggang kailan namin gagawin iyon para makompleto, ang alam namin ay matagal itong gawin.


***

ALLISON


"Wenxehalt, kinakabahan ako," sumbong ko kay Wenxehalt.


"Calm down Allison," kalmadong sabi niya.


I composed myself at tahimik na lamang na sumilip sa bintana. May taga media kasi sa labas. Bakit kaya di ko naisip na takpan ang mukha ko nung nasa mall kami? Nakakainis. Nadamay pa si best kasi siya yung kasama ko nung namasyal kami. Malaking gulo ito.


"Pwede po ba naming pasukin ang bahay mo miss?" tanong nung kasama nilang pulis. Aba ha para kaming kriminal nito.


Kitang kita kong kinakabahan na si best buti nalang di tumagos sa makapal niyang lipstick ang pamumutla niya. Kami naman ni Wenxehalt ay nakatago lang sa isang kwarto dito sa itaas at sinisilip sila. Tumango na si best na halatang napilitan.


This is not good at all.


THIRD


Naging triple ang kaba ni Allisonia at ng bestfriend niya nang pumasok na ang mga pulis kasama ang mga taga media na may hawak pang camera.


Bawat kwarto ay pinasok ng mga ito at panghuli ang tinataguan nina Allison.


Nahirapan silang buksan ito dahil locked. Lahat ng susi ay nagamit na ata nila pero ayaw parin. Nagtataka na ang lahat sa loob at nanghihinala na. Ilang beses naring lumulunok ang besfriend ni Allison na si Cristaline dahil sa kaba.


***

Pawis na pawis na si Allisonia habang nanlulumo na ng tuhod na nakatingin sa pinto. Bigla na lamang siyang binigyan ni Wenxehalt ng puting cloak.


"Ilabas mo ang pakpak mo," bulong ni Wenxehalt nang tanggapin niya ang cloak nang wala sa sarili.


Nagtaka naman si Allison at kunot noong tumingin kay Wenxehalt.


"Trust me," bulong ulit nito.


"Ok." Yun nalang ang nasagot niya.


***

Halos gibain na ang pinto ng bumubukas nito. Sa tagal nilang nabuksan ito, nakahinga sila ng malalim ng at last nabukas na nga ito. Lahat sila napasinghap nang bumungad sa kanila ang isang napakagandang tanawin sa loob. Hindi sila makapaniwala sa kanilang nakikita.


The camera man immediately took a good angle from it.


Pati si Cristaline ay laglag rin ang panga. Ikaw ba naman ang makakita ng sculpture ng isang magandang babae na nakacloak ng puti at may dalawang itim at puting pakpak na parang nakikipagsayaw ng ball sa isang perpekto sa kagwapong lalaki sa itim na cloak at may dalawang itim na pakpak. Nakasuot ng kakaibang suot at kakaiba ang make up ng babae.


Hindi pa sila nakontento, inusisa pa nila ang details nito.


Sa totoo lang naman ay spell iyon ni Wenxehalt. Mga 3 minutes silang ganun at mauuwi din sa dati. Nang umalis na ang mga tagamedia kasama nung mga pulis nakatunganga parin si Cristaline dito. Di niya maimagine kung may taong makakagawa ng sculpture na ganun kaganda.


Natauhan siya bigla nang maisip kung paano yun napunta sa bahay nila.


Napakamot siya ng ulo.


"Ay palakang may cleavage!" tili niya nang biglang gumalaw ang sculpture. Allison glared at her.


"Kayo pala ni Wenxehalt?" Amazed na tanong niya sa bestfriend.


"You are stating the obvious best," sabi naman ni Allison.


"Alam niyo ba gaano kayo kabagay?" Natutuwang sambit ni Cristaline habang tinutulakang best niya kay Wenxehalt. Kinikilig pa ito.


Namula naman agad si Allison. Di siya makapaniwala sa sinabi ng best niya kaya pinalo niya ito para matigil sa pagtili. She doesn't act according to her age. She is not changing, still jumping like a teenager.


***

ALLISON

Haist. Di parin makamove on si best. Ayan siya kinikilig parin at ngiti ngiti kaming tinitignan isa isa ni Wenxehalt. Hindi ko na madesribe ang nararamdaman ko, halos di ako makatingin kay Wenxehalt.


Kumakain kami ngayon at ayan sila nasarapan na sa kinakain.


Bigla na lamang akong binato ng panyo ni best. Tinignan ko naman siya ng masama pero nginuso lang niya ang lalaking nasa tabi ko. Nilingon ko naman. Aww ang cute este anu bayan parang bata si Wenxehalt. Ang messy niyang kumain!


"Sige na punasan mo na kasi," sabi ni best na ayan kinikilig parin siya. Wala namang nakakakilig e.


The idea about eating some curry is Cristaline's idea and it's not something that this guy knows. I don't know how he eats it but I am certain, he's eating it in the wrong way.


Padabog kong kinuha yung panyo at pinunasan si Wenxehalt. Ang cute talaga este hindi ! Ano ba! Nakatingin lang siya sa akin habang pinupunasan ko siya. Natulala naman ako nanag ngumiti siya bigla.


Bakit ang gwapo niyang ngumiti? Ghad!


"Ayeihh." Natauhan naman ako sa tili ni best. Sayang nawala tuloy ang ngiti ni Wenxehalt. Bruha talaga o!


Binato ko na pabalik kay best ang panyo at sapol ang mukha niya.

***

ʜᴀʟꜰ ᴅᴇᴍᴏɴ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon