CHAPTER 14: Flying Lesson

3.8K 144 2
                                    

ALLISON


Gabi na at nandito kami sa labas para sa flying lesson ni Wenxehalt. But first kailangan munang lumabas ng pakpak ko. Nakatube ako ng white at nakasuot ng simple floral na skirt above knee.


"Go bestie!" Pagchecheer ni best sa akin.


Nginitian ko lang siya at humarap na ako kay Wenxehalt.


"Ready na ako," sabi ko sa kanya.


"Ok, focus Allison." Panu ako makakafocus kung kinakabahan ako? But I'll try.


Pinikit ko nalang ang mga mata ko para wala akong makitang kung ano.


"Pakiramdaman mo ang sarili mo. Isipin mong parte mo na rin ang pakpak mo. Isipin mong maipapalabas mo ito. Isipin mong nakokontrol mo ito."


Tumama sa balat ko ang malamig na hangin at inilipad ang buhok ko. Ginawa ko ang sinabi niya. Naririnig ko lang ang heartbeat ko sa katahimikang bumalot sa lugar. Unti unting gumagaan ang pakiramdam ko habang dinamdam ang bawat parte ng katawan ko. Maya maya unti unti kong naramdaman na may ibang parte na akong nagagalaw sa likuran ko.


I can finally grow them without experiencing the same pain I had before.


Dumilat ako kasabay ang isang flap ng mga pakpak ko na nagbigay ngmalakas na hangin tungo kay Wenxehalt. Para akong batang patalon talon sa tuwa. Wahh! Ang saya ko lang, di ako nakaramdam ng sakit nang tumubo ito sa likuran ko.


It's a small thing for angels born in there place but for me it's an achievement.


Pinalabas narin ni Wenxehalt ang pakpak niya at lumapit sa akin. Nagseryoso ulit ako.


"Fast learner ka pala," nakangiting sabi niya. Napangiti narin ako.


"So lilipad na ako?" excited na tanong ko. Tumango naman siya bilang sagot. Hinarap ko si best na tulo na ang laway sa kakatitig sa pakpak ko. Nakanganga pa siya at nakafreeze.


"Ang ganda! Kyahh!" tili niya.


Bumaling ulit ako kay Wenxehalt.


"Humanda ka. Kontrolin mo ang pakpak mo. Makisabay ka sa hangin. Isipin mong magaan ka at kaya mong lumipad."


Nakatitig lang ako sa kanya.


"Pag nahulog ba ako sasaluin mo ulit ako gaya nung sa cliff ng underworld?" tanong ko.


"Wag kang mag alala Allisonia, handa kong saluhin ka kahit ilang beses ka pang mahulog."


That means a lot to me. Those words seemed to mean double.


ʜᴀʟꜰ ᴅᴇᴍᴏɴ (COMPLETED)Where stories live. Discover now