CHAPTER 16: Selos

3.7K 139 3
                                    

THIRD


Lumipas ang mga araw, unti-unti nang nabubuo ang portal na ginagawa ng dalawang panig ng angels. Inip na inip na si Dark dahil ayaw niyang maunahan at mawala ang alas niyang si Wenxehalt.


"Wala na bang mas madali pa dito?" galit na sigaw niya sa mga gumagawa ng portal.


"Lord, may nararamdaman ako," sabi ng oracle.


Agad namang lumingon si Dark dito.


"Tuluyan nang lumabas ang mga emosyon galing kay Wenxehalt. Isang napakalakas na emosyon ang nangingibabaw sa kanya ngayon at kapag hindi ito mawala, babalik siya sa pagiging light angel niya," mahabang pahayag nito kay Dark.


"Hindi." Tanging nasambit ni Dark.


"Pero hindi ito magkakabisa hanggat sa masabi ni Wenxehalt ang magic word kay Allisonia. Pag nangyari yun, dere deretso na ang binding ritual nang walang chanting dahil totoong emosyon ang nangingibabaw sa dalawa," dugtong ng oracle.


****

ALLISON


"Andyan na ang pizza order!" excited na sabi ni best sabay bukas ng pinto.


Pagbukas niya ng pinto, agad naman siyang napatili. "Best! Kabatchmate natin! Si Aljun!"


Lumapit naman ako. Para namang natulala si Aljun nang makita ako. Haist. Long time crush daw kasi ako niyan.


I don't know if it's true.


"Hi Allison. Ang ganda mo talaga." Walang alinlangan niyang sabi.


Napakamot pa siya ng batok na para bang nahihiya sa akin. "Saktong sakto kakain kami, sumalo kana samin," sabi ni best na nagpapacute pa.


"A salamat pero may idedeliver pa kasi ako. Next time nalang," tanggi nito.


"Ok," dismayadong sabi ni best. Aalis na sana ako kaso hinawakan niya ang kamay ko.


"Allison masaya akong nahanap na kita," nakangiting sabi niya. "Sana pagbigyan mo na ako ngayon kasi mahal parin kita," dagdag niya. Inalis ko ang kamay ko na hinawakan niya kanina at lumingon agad sa nahulog na vase sa gilid. Nakita ko si Wenxehalt na naglalakad paalis at binuksan ang bintana.


I can feel his aura becoming heavy.


"Umalis ka na Aljun," sabi ko nang hindi nakatingin dito dahil si Wenxehalt ang tinitignan ko na pinalabas na ang pakpak at handa nang lumabas sa bintana.


"Sige na Aljun." Agad namang sabi ni best dito at sinara ang pinto. Patakbo na akong lumapit kay Wenxehalt ngunit nakalipad na siya sa itaas.

ʜᴀʟꜰ ᴅᴇᴍᴏɴ (COMPLETED)Where stories live. Discover now