CHAPTER 18: Rare BindinG

3.8K 142 3
                                    

ALLISON


Hindi na gaanung gumalaw si Wenxehalt.


"Hindi na niya kakayanin," sabi ni lolo at pinatigil ang lahat. Tumakbo na ako sa gitna ng bilog kung saan nakahandusay ang lalaking mahal ko. Niyakap ko siya.


"Ituloy niyo," nanghihinang sabi niya. Humigpit lalo ang pagkakayakap ko sa kanya.


"Hindi mo na kaya."


Tinignan ko ang mga pakpak niya na may mga mapuputing balahibo na. Agad na lumapit si Jushua sa amin.


"Kaya ko pa." Now he is vomiting some blood. Mas lalo akong napaiyak.


My heart is screaming something and I want him to hear it before I choose Jushua. Iyon ang tama, hindi ko na ipipilit ang mga bagay na hindi pwede. Tama na itong nakikita ko.


"Makinig ka." Hinaplos ko ang sunog na bahagi ng mukha niya. "Ang mapadpad ako sa mundo niyo, iyon ang pinakamasamang nangyari sa buhay ko. I want to wake up if ever it's just a dream. Pero noong makilala kita, the world twisted. It became the best thing that happened to me. Hindi ko alam na, ikaw pala ang makakapagpapatibok ng puso ko."


Sa unang pagkakataon, nakita ko paano tumulo ang mga luha ni Wenxehalt at pilit na hinahawakan ang pisngi ko.


"Ako nalang Allison ang piliin mo, wala na tayong oras," sabi ni Jushua. Napatingin ako sandali sa kanya tapos kay Wenxehalt.


"Tapusin nyo ang spell," matigas na sabi ni Wenxehalt.


"Wenxehalt, wag mo nang pilitin please. Nahihirapan din ako. Nahihirapan akong makita kang nahihirapan." Hinigpitan ko ang pagkayakap sa katawan niya at hinawakan ang kamay niyang nasa pisngi ko.


"Hindi ko kayang tanggapin na iba ang pipiliin mo," mahinang sabi niya.


"I'm sorry but fate has spoken."


"Allison, ako lang ang dapat piliin mo." Halos wala na siyang boses, pinipilit pa niyang magsalita.


"Bakit? Bakit ka ba ganyan? Ano ba talaga? Gusto kong marinig Wenxehalt."


All I wanted is a little confirmation.


Niyakap niya ako pabalik at hinaplos ang buhok ko. "The very first time I saw you, I already know that you will become part of me. We are meant for each other Allison. We are two parts split and has meet again to be one again. I will try to get you away from this dilemma even it means dying. Ayokong siya ang piliin mo kasi---" Hinigpitan niya ang pagkayakap sa akin. "--mahal kita simula palang," bulong niya sa akin. "I know I love you since then. I love you, Allison."

ʜᴀʟꜰ ᴅᴇᴍᴏɴ (COMPLETED)Where stories live. Discover now