Chapter 22 Completed Version

2.2K 61 0
                                    

DARK


"Paano ka nabuhay?" tanong nito ulit sa akin sabay hawak sa leeg ko. Hinigpitan niya ang paghawak dito. Pinarinig ko sa kanya ang tibok ng puso ko.


Binitawan niya ako at tinakpan ang mga tenga niya. Napaubo ako.


"Binuhay mo akong may puso," sabi ko.


"Hindi kita binuhay para gamitin ito sa ibang paraan. Binuhay kita sa galit at suklam," galit na sambit nito.


"Nagpakabobo ka at siyang tatalo sayo," matapang na sambit ko.


"Ako ang maylikha sayo. At ang pagiging kaisa ko ang dahilan ng pagkabuhay mo dark angel."


"Pinili ko lang naman ang magmahal at natutuhang gamitin ang iba't ibang emosyon na noo'y hindi ko alam na mayroon ako. Yun parin ang pipiliin ko. Ito ang magiging lakas ko," pasigaw na sabi ko at hinila ang mga braso ko ng buong lakas. Unti unting nagliwanag ang paligid kasabay nang pagkawala ko at paglabas ng pakpak ko.


These emotions that I have learned can be weaknesses but it can also be a strong weapon.


Ginamit kong lakas ang pag-ibig at nilabas ang kapangyarihang ngayon ko lang naipalabas buong buhay ko at tinama sa maylikhang tinuturing kong ama. Hinding hindi niya ito malalabanan dahil ito lang ang hindi niya kayang labanan.


It's the only thing he sans.


"Hindi!" sigaw niya at nabasag sa harap ko na parang salamin.


Sumilaw ang buong paligid na siyang dahilan bakit ako napapikit. Pagbuka ng mga mata ko naramdaman ko ang malambot na mga brasong nakayakap sa akin. Nakita ko ang magandang mukha ng babaeng natutuhan kong mahalin.


"Rosevina," bulong ko sabay hawak ng pisngi niya.


Bumangon na ako at niyakap siya pabalik. Nakita ko nalang bigla ang itim na usok na siyang hugis ng maylikha. Kumalas ako kay Rosevina at binuksan ang portal sa lupa para ihatid siya sa impyerno. Agad namang nagpalabas ng white flame ang mga light angels at tumama ito sa kanya. At dun ay hinigop na siya ng portal.


"Magbabalik ako." Huling narinig namin bago tuluyang nasara ang portal.


***

THIRD


Nilagay naman nila agad ang katawan ni Allison sa isang glass coffin na nilagay nila sa gitna ng napakaraming bulaklak sa Heavenly Kingdom. Makikita ito sà isang floating island na may natural shield at napapalibutan ng mapuputing ulap.


Nagsagawa sila ng spell para irevive ang mga light angels na napahamak sa digmaan. Nilinis din nila ang kalat sa mundo ng mga tao sa pamamagitan ng pagbalik nito sa dati nitong anyo. Nagising ang mga tao na parang walang nangyari.


Sa pagkakataong iyon ay pumasok na sa Converting Circle si Dark para maging ganap na light angel na siya. Lahat ng light angels ng kaharian ay nandun para sa ritual. Pumikit na silang lahat at iisa lang ang makikita nila, ang totoong nangyari noon. Part iyon dahil kung ano ang iniisip ng nasa Converting Circle ay ang siyang makikita ng lahat na nagsasagawa ng ritual.


Napangiti si Dark.


FLASHBACK.

"You shall live and rule in fussion with me." Huling chanting ng maylikha at ang narinig lamang ni Dark.


Bumuka na ang mga mata ni Dark at bumangon galing sa itim na bumubukal na tubig sa gitna ng isang malalim na parte ng underworld. Isang nilalang na manhid at walang ibang kayang gawin kundi ang sumunod sa maylikha sa kanya. Lumapit si Helen para bigyan ito ng masusuot dahil sa hubad ito. Matapos isuot ang binigay ni Helen ay pinalabas agad niya ang pakpak niya at lumuhod.


"Ama."


Tumawa ang maylikha.


"Ikaw ang instrumento para sa plano ko ngayong alam ko ang buong propesiya. Magiging akin ang Heavenly Kingdom at ang mundo ng mga tao."


***

ʜᴀʟꜰ ᴅᴇᴍᴏɴ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon