Chapter 8: Absence

4.8K 174 2
                                    

ALLISON


Naging tahimik ulit ang buhay ko dito sa kaharian ng Light Angels. Ilang araw na ako dito at ilang araw na ring nagkukulong sa kwarto ko. Naiinis ako, ni hindi siya dumalaw sa panaginip ko, si Wenxehalt. His serious face. His voice. His touch. Parang namimiss ko? Ay ewan.


Lumalandi na ata ako. Tsk. This is not me anymore. Ilang araw ko pa siyang nakilala.


Ginulo ko na ang buhok ko at ibinagsak ang katawan ko sa malambot na kama. Naisip ko tuloy ang mundo ng mga tao. I miss my job, my mom and dad at si Phoebel.


Tumulo bigla ang mga luha ko. She might be dead. Wala akong nagawa para salbahin siya. Wala akong kwenta. Napapikit ako. May paraan pa kaya para maibalik siya?


Bumukas na ang pinto sa kwarto. Bumangon na ako nang makita si Jushua.


"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.


"Hmm. Yayayain sana kitang lumabas. Ilang araw ka na kasing nagmumukmok dito sa kwarto," nakangiting sabi niya.


Ibinagsak ko ulit ang katawan ko. " Ayoko," maikling sagot ko.


I feel lazy.


"So wala kang balak na makita ang magagandang spots dito sa Heavenly Kingdom?"


Napatingin ako sa kanya. Haist. Kung si Wenxehalt ka lang sana. Pero sige na nga pagbibigyan ko na para makapagthank you naman ako.


This place is beautiful but I haven't gone anywhere here. A small walk can't be bad.


***

THIRD


Bawat oras laging may nararamdamang kulang si Wenxehalt. Tuwing napapadaan siya sa kwartong kinulungan ni Allisonia napapahinto siya. Di niya mapigilan ang sariling isipin na andoon si Allisonia.


He is feeling some void in him, some place empty somewhere in his heart.


Inutusan naman ni Lord Dark ang isang witch na i-track ang anak niya ngunit hindi nila ito magawang i-track. Sinubukan din nilang tignan sa bolang crystal kung makikita ba si Allisonia ngunit wala parin. Galit na galit na si Dark. Nagwala pa siya sa loob ng kaharian nila at ang lahat ng lumalapit ay siyang malalagutan.


Hindi naman niya inutusan si Wenxehalt dahil may hinala na siya kung anong nangyayari dito.


The emotion forbidden in his kingdom. It's a poison that will weaken an angel.


***


Mag-isa lang si Wenxehalt na nagpunta dun sa butas palabas nung underworld. Nakatayo lang siya dun at inalala ang bawat sinabi ni Allison sa kanya.

ʜᴀʟꜰ ᴅᴇᴍᴏɴ (COMPLETED)Where stories live. Discover now