Chapter 9: Attack

4.7K 176 2
                                    

THIRD


Nakaluhod at nakayuko na ang bagong mensahero ni Dark sa harap niya. Masama ang tingin niya dito.


Death could be his next fate if ever he's a failure.


"Siguraduhin mong hindi ko mabibiak yang ulo mo sa sasabihin mo. Anong dala mong balita?" Nayanig pa ang lupa nang magsalita ang Lord sa galit na boses na kahit salita lang ay pwede niyang durugin ang mensaherong nasa harap niya.


"Nasa Heavenly Kingdom si Allisonia," nanginginig na sabi ng mensahero. Nanlulumo na ang tuhod nito at maaring anumang oras ay babagsak na ito galing sa pagkakaluhod. The messenger is trembling uncontrollably. The Lord might kill him for this bad news.


"Paano siya napunta doon?" Napatayo na ang Lord at lumapit sa mensahero.


"May tumulong sa kanya. May nagtaksil sa inyo. At totoo ding may nakapasok na Light Angel dito sa underworld." Pagpapatuloy ng mensahero.


Naramdaman na lamang ng mensahero ang pagbangga ng likuran niya sa wall at ang mahigpit na pagkahawak ng Lord sa leeg niya. Nakikita na naman niya ang pangingitim ng bawat sulok ng mga mata ng Lord niya at naging triple na ang takot niya.


He can see death coming next to him.


Bigla siyang itinulak nito gamit ang hangin kaya ay lubos siyang nasaktan nang tumama siya sa kabilang wall.


"Mga walang kwenta!" sigaw ng Lord na para bang dragon na gumawa ng ingay.


Napatakbo na ang mensahero nang pumasok si Wenxehalt. Kalmado lang ito at parang walang kinatatakutan. That explains why he is chosen to be an apprentice. He is too calm around their king.


"Aatake tayo." Galit parin ang tono ng Lord.


"Wag tayong magmadali Lord Dark, kailangan nating magplano."


"Sino ba ang Lord sa ating dalawa? Ikaw? Isa ka lang apprentice! Isaksak mo yan sa utak mo." Nag-aapoy na ito sa sobrang galit.


The fate he thought that's on his side, twisted swiftly and he doesn't like the thought of it.


Walang magawa si Wenxehalt kundi ang lumabas doon dahil parang nanganganib na siya sa aura ni Dark. Sa mga oras na yun parang gusto na niyang kunin pabalik si Allisonia dahil siya naman talaga ang may kasalanan bakit ito nakatakas.


He has no right to change things but what if it's really meant to happen?


***

ALLISON


Bakit kaya kinakabahan ako ngayon? May mangyayari bang masama sa akin?


Sumilip na ako galing sa pintuan ng kwarto. Wala akong makitang tao este Light Angel kaya lumabas ako. I forgot I am not with mortals.

ʜᴀʟꜰ ᴅᴇᴍᴏɴ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon