Season I - Only Hope | Chapter 2 - Prince Xaniel

982 13 13
                                    

Mariko 

+639178790161

Calling...

Agad na sinagot ni Ryniel ang tawag ni Mariko.

" Ryniel, kamusta ? " 

" Okay lang naman ako. Bakit ka pala napatawag may maitutulong ba ako?..."

" Itatanong ko lang sana kung payag kang maging ninong ng anak ko. " Agad namang sinabi ni Mariko ang kanyang pakay. 

" Syempre naman. Kelan ba yung binyag ni Xerio? "

Si Jariko Xerio ang 9 months old baby boy nina Mariko at Jared.

" Thank you ha, sa May 17 na yun. " 

" May 17, Friday, " ulit niya sa sinabi nito, habang isinusulat sa kanyang schedule notebook ang naturang event. " Okay, pupunta ako, libre ako sa araw na yun eh. "

" Sige ipapadala ko na lang yung invitation card. "

" Okay. "

" Alam mo kung nandito lang si Rain, gusto ko rin sana..."  Di na itinuloy ni Mariko ang kanyang gustong sabihin. Naisip kasi niyang baka malungkot lang si Ryniel kapag naalala ang babaeng mahal na mahal nito. " Pasensya na..."

" Okay lang. Alam ko'ng namimiss mo na rin siya. Kaya sana nga makita na natin siya. "

Gaya ng hiling ni Ryniel, inaasam din ni Mariko na makitang muli ang kanyang bestfriend, na itinuring na rin niyang isang tunay na kapatid. 

" Oo nga. "  Napahanga na naman siya sa tatag ng pagmamahal ni Ryniel para sa kanyang kaibigang si Rain. Kahit halos mag-iisa't-kalahating taon nang nawawala si Rain, pero buo pa rin ang pagmamahal ni Ryniel sa kanya.

" Maghihintay ako sa pagbabalik niya Mariko..."

" Pero hanggang kailan? "

" Kahit gaano pa katagal. "

" Wag kang magagalit sa sasabihin ko ha, pa'no kung totoong patay na si Rain, kaya mo bang tanggapin yun? " Masasaktan man si Ryniel sa kanyang itinanong, alam ni Mariko na may posibilad na mangyari ito. 

" Di ko kayang mawala siya sa buhay ko Mariko, kaya di ko na siguro gugustuhin mabuhay pa..."  seryosong sagot ni Ryniel sa kanya.

" Ha? Wag mo'ng sabihin yan. " Gulat na sagot ni Mariko. " Kung sakaling mang wala na si Rain, di niya gugustuhing isuko mo na lang ang buhay mo. Sigurado akong gusto niyang mabuhay ka para sa mga taong nagmamahal sa'yo, ang pamilya mo. " 

Love Over Vengeance 2: EternityWhere stories live. Discover now