Season IV - Darkness | Chapter 50 - Ama, Ina at Anak...

305 6 3
                                    

 Author's Note:

Kapanapanabik na ang mga huling kabanata...

Abangan.

Dedicated to @Direk_Whamba dahil naadik ako sa mga vampires stories niya hehe....Kahit mahirap makakuha ng magandang connection, nagtyaga akong basahin ang LOKI Series at Forlon Madness hehe...( currently LOKI - The Next Battle na ako at ForMad Opus 22th )

X|S

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sibalom, Antique | 1980

Ang bayan ng Sibalom sa lalawigan ng Antique ay isa sa mga relihiyosong bayan sa Pilipinas. Ang bawat mamayan rito ay nakasanayan na ang pagsisimba, lalo na kung Linggo upang bigyang papuri ang Maykapal. Kaya naman naging kontobersyal ang pag-aakusa ng isang dalagita sa isang pari.

Ayon sa dalagitang si Lourdes, araw noon ng Byernes, buwan ng Marso, ganap na alas-9 ng gabi nang halayin siya ni Fr. Damian de Dios. Pinapunta raw siya nito sa silid niya dahil sa may ipapalinis raw ito roon. Pero pagpasok pa lamang niya ay agad na isinara ng pari ang pinto. Wala na raw katao-tao noon sa simbahan kaya naman walang nakarinig sa kanyang paghingi ng saklolo.

Dahil sa pag-aakusa ni Lourdes, pinaratangan siya ng mga tao na manloloko. Walang katotohanan ang kanyang mga sinasabi sapagkat kilala siya sa bayang ito na mayroong nobyo sa murang edad pa lamang. Ayon pa sa kanila, sinisiraan niya si Fr. Damian dahil di nito napagbigyan ang kahilingan niyang ipakasal sila ng nobyo nito.

Itinanggi at ipinagwalang-bahala na lang ni Fr. Damian ang mga paratang ni Lourdes. Pero sa loob ng ilang buwan, nabuhay ang dalagita na para na ring sinusunog sa Impyerno ang kanyang kaluluwa. Sa araw-araw ay puro mapanirang mga mata at salita ang ipinipukol sa kanyang ng mga taong-bayan. Kulang na nga lang ay sunugin siya ng buhay dahil para sa kanila ay napakasama niyang babae. 

Sa kabila ng lahat, isang tao ang naniniwalang nagsasabi ng totoo si Lourdes. Ang kanyang Lola Reming lang ang naging sandalan niya sa mga oras na yun. Siya rin ang nagkumbinsi kay Lourdes na wag ipaglaglag ang kanyang anak, dahil hindi naman nito kasalanan ang kanyang pagkakabuo. Biyaya pa rin siya ng Maykapal.

Kabuwanan na noon ng pagbubuntis ni Lourdes nang pagbantaan siya mga taong matindi ang galit sa kanya. Kung di raw niya lilisanin ang bayan ay kamatayan ang kahahantungan nilang mag-ina. Hindi nila maaatim na mabuhay ang isang sanggol na itinuring nilang anak ng demonyo. Hindi na nagawang makaalis pa ni Lourdes at Lola Reming, dahil sa biglaang pagsilang ng dalagita sa kambal na sanggol na pawang mga babae.

Malalim na ang gabi nang maramdaman ni Lola Reming na paparating ang mga taong-bayan. Agad niyang ginising si Lourdes, ngunit napaiyak na lang siya nang malamang matagal na palang patay ang kanyang apo. Kaya wala na siyang nagawa pa kundi iligtas ang kambal ng mag-isa. Ibinalot niya ang mga ito sa mga lamping sinulatan niya ng mga pangalan at buong tatag niyang sinapalaran ang malawak na kagubatan. Nang makarating ang mga tao sa kanilang bahay ay agad silang naghagis ng sulong may apoy. Kaya naman nasunog ito, kasama na rin ang walang buhay na si Lourdes.

Pinilit ni Lola Reming nang marating ang daan palabas ng bayan sa kabila ng pagkahilo dahil sa nagdurugong sugat sa kanyang ulo. Nabato siya ng isang lalaki nang makita siya nitong papatakas. Isang trak na nagdadala ng mga prutas sa Maynila ang nakita niyang huminto sa daan dahil sa pagkasira ng makina. Naisip niyang ilagay ang mga sanggol sa nakabukas na likod ng sasakyan. Nang makita ng mga kargador ang kambal ay wala na si Lola Reming. Nawalan na siya ng malay bago pa siya makalayo roon.

Love Over Vengeance 2: EternityDove le storie prendono vita. Scoprilo ora