Season II - Chances | Chapter 23: " Sorry "

513 7 4
                                    

 Author's NOTE:

SORRY po kung natagalan ang update ng ETERNITY...

Marami lang po akong inasikaso...

Wag kayong mag-alala, marami akong mga bagong updates...

 Last 4 Chapters na lang ng SEASON II,

kaya mas marami pang kapana-panabik na mangyayari...

 --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

" Good morning Hon..."

Isang magandang umaga ang nasilayan ni Princess dahil sa breakfast in bed na ihinanda ni Ryniel para sa kanya.

" Bakit, ano'ng meron? " usisa pa niya sa asawa.

" Wala, basta gusto lang kitang supresahin..." paliwanag sa kanya nito. " Ubusin mo'to ha, kasi espesyal 'to para sa'yo lang..."  

Inubos naman ni Princess ang kanyang pagkain, sa pamamagitan ng pagsubo sa kanya ni Ryniel. Napakasaya niya ngayong araw, pero di niya pa rin maiwasang magtaka dahil sa biglaang paglalambing sa kanya ng asawa.

" Wala ka bang pasok sa opisina? " usisa niyang muli.

" Wala, kaya masosolo ko kayo ni Xaniel ngayong araw..." magiliw na sagot sa kanya ni Ryniel. Hinalikan pa siya nito sa noo at hinaplos-haplos ang kanyang tiyan.

" Hon, salamat ah..." seryoso naman niyang sagot sa kanyang asawa, kasabay ang pagtulo ng kanyang luha, na di na niya napigilang tumulo.

" Oh, ba't umiiyak ka? " puna sa kanya ni Ryniel, " Special ang araw natin ngayon kaya dapat maging masaya ka hon. " 

" Bakit? "

" Basta..." 

Hindi na niya tinanong kung anong plano ng kanyang asawa, basta ang mahalaga para sa kanya ay bumalik na ang dating paglalambing nito sa kanya.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Alas nuwebe y media ng umaga nang makarating ang buong pamilya sa Blue Crystal Resort sa Pandi, Bulacan.

Naisip ni Ryniel na magkaroon ng bonding ang kanilang buong pamilya para maging masaya si Princess. Narinig kasi niya ang pag-uusap ng kanyang asawa at Sairi noong isang gabi.  Nanlalamig na raw siya sa kanyang asawa, kaya ngayon patutunayan niyang hindi dapat mag-isip ng ganoon si Princess. Gagawin niya dahil ayaw niyang masaktan ang kanyang asawa.

Matapos kumain ng tanghalian ay isinagawa na ni Ryniel ang kanyang surpresa. Inaya niya ang kanyang asawa sa malawak na garden ng Resort. 

" Hon, ano'ng gagawin mo? "  Nabigla si Princess nang bigla siyang kargahin ni Ryniel

" Ayokong mapagod ka sa paglalakad..." sagot nito sa kanya.

Napangiti na lang si Princess dahil sa kilig na kanyang naramdaman. Ihinilig pa niya ang kanyang ulo sa malapad na dibdib ng kanyang mapagmahal na asawa.

Makalipas ang ilang minuto ay narating na rin nila ang napakagandang garden ng Resort. Iba't-ibang uri ng bulaklak ang makikita rito. Pero ang takaw-pansin ay isang malaking fountain na nasa gitna ng isang maliit na lawa, na napapalibutan pa ng mga pulang rosas. Pwede mo itong makita ng malapitan kung pupunta ka sa hagdan na nakapaikot din sa fountain, na nasa ibabaw ng lawa.

Love Over Vengeance 2: EternityWhere stories live. Discover now