Season I - Only Hope | Chapter 6 - Pizza from Heaven

842 11 3
                                    

" Cess, sure ka na ba magiging okay ka dito? "

" Oo Sai..."

Hindi pa rin mawala ang pag-aalala ni Sairi sa kanyang kaibigan. Gusto sana niyang damayan ito ngayon, pero mas pinili niyang igalang ang gusto ni Princess - ang makapag-isa.

Hinayaan na lang niyang bumaba ng kanilang kotse si Princess. 

" Call me ha, Bes. " bilin pa niya rito.

Isang ngiti naman ang naging sagot sa kanya ni Princess bago tuluyang pumasok sa loob ng restaurant. 

" Sorry Cess..."

Nakaramdam ng pagsisisi si Sairi, dahil ang niregalo pala niyang kwintas ang naging dahilan kung bakit nalaman ng Daddy ni Princess ang katotohanan. Pero sinabihan naman siya ng kanyang kaibigan na wag ng isipan pa yun, kasi wala naman siyang kasalanan, siguro yun na ang takdang panahon pra lumabas ang katotohanan.

Pinili ni Princess na magpunta sa secong floor ng restaurant para kumain. Walang gaanong tao roon kaya payapa siyang makakapag-isip.

" Welcome to Pizza from Heaven Mam..." bati sa kanya ng isang matangkad na waiter, " Ano po'ng order nyo? " tanong sa kanya nito pagkatapos ay ngumiti pa.

" Thank you, isang Bursting Cheese, yung medium size lang at orange juice. " sagot niya rito.

" Okay po Mam, Wait nyo na lang po ha..." 

Nginitian pa siya nito uli, kaya napangiti na rin siya.

Gustong-gusto niyang kumain sa Pizza from Heaven, dahil pakiramdam niya nasa Langit talaga siya. Nakasuot kasi ng halo at maliit na pakpak ang lahat ng waiter & waitress dito. Syempre paborito niya ang mga pizzang gawa dito, gaya ng inorder niya ngayon. Ang Bursting Cheese ang binabalik-balikan niya sa lugar na ito.

Sumasaya rin siya kapag kumakain siya rito, kaya kapag may problema siya, agad siyang nagpupunta sa restaurant na ito. 

After 5 minutes ay ihinain na ang kanyang mga inorder.

Nakaramdam agad siya ng gutom at pagtatakam ng maamoy ang mga keso, kaya kumuha na siya ng isang slice para makain.

Pero ibinalik niya rin ito sa tray dahil may bigla siyang napansin. Kitang-kita kasi ang mga tao sa ibaba ng restaurang mula sa kinauupuan niya, kaya nakita niya ang isang eksenang bigla niyang kinainggitan. Isang teenage mom ang masayang-masaya habang sinusubuan niya ng pizza ng kanyang asawa, na siyang kumakarga ng kanilang baby boy. 

Love Over Vengeance 2: EternityOnde histórias criam vida. Descubra agora