Season I - Only Hope | Chapter 8 - Valentines Day

790 11 9
                                    

 Author's Note:

May mga ilang eksena ang di maaring mabasa ng mga bata... ^_^,

Pasensya na po, parte 'to ng kwento. Basta, basa lang ha...

Wag mag-imagine :D

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

BANG!  <--------------( putok ng baril ^_^ )

Parehong nagulantang si Princess at ang kanyang soulmate nang umalingawngaw ang isang putok ng baril sa kwartong iyon.

" Wag po Dad! " 

Agad na inalis ng lalaki ang piring sa kanyang mga mata sa takot na siya na ang susunod na tatamaan ng bala.

" Oh, ano pananagutan mo ba ang anak ko o hindi?! " sigaw ng galit na galit na si Don Lucio Fernando, habang nakatutok ang kanyang baril sa lalaking nasa tabi ni Princess.

" Dad...wag..." pakiusap pang muli ni Princess habang unting-unting lumalapit sa kanyang ama.

" Di ko po kayo naiintindihan Sir..." Labis na pagtataka ang namutawi sa isipan ng lalaki. " Princess anong ibig sabihin nito? " 

" Wag ka ng magmaangmaangan pa! Wag mo 'kong pigilan Princess, bibigyan ko ng leksyon tong lalaking 'to. "  Muli itinutok ni Don Lucio Fernando ang kanyang baril sa lalaking nanloko sa kanyang unica hija.

" Please, wag nyo siyang sasaktan Dad..." pakiusap muli ni Princess sa kanyang ama. Humarang pa nga siya sa harap nito para lang protektahan ang kanyang soulmate. 

Nagulat naman ang lalaki dahil sa ginawang ito ni Princess para sa kanya. Di niya alam kung anong gagawin, pero parang naiintindihan na niya kung anong ibig sabihin ng ama ni Princess.

" Pero paano ko siya nabuntis? Kelan? Saan? " bulong niya sa kanyang sarili.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

[ Flashback ]

Nag-aalab na ang init na kanyang nararamdaman...

Sinubukan niya itong pigilan, 

pero mas lalo lamang itong naglalagablab

Love Over Vengeance 2: EternityWhere stories live. Discover now