Season I - Only Hope | Chapter 12 - Suicide

700 11 8
                                    

Mahimbing na nakatulog si Ryniel sa malambot na mga hita ni Rain, dahil sa marahang paghaplos nito sa kanyang buhok. 

" Ryniel, mahal na mahal kita...Ayokong masira ang buhay mo dahil sa pagkawala ko...Kung pwede lang sana na magkasama tayong muli...Pero wala na tayong magagawa pa...Mas gugustuhin ko pang magmahal ka ng iba kaysa makita kang nagkakaganito..."

Sa huling pagkakataon ay pinagmasdan niya ang maamong mukha ng lalaking kanyang pinakamamahal. 

" Wag ka ng mag-alala pa, masaya na ako ngayon..." 

Isang mariing halik sa labi ang kanyang ipinagkaloob kay Ryniel, bilang huling regalo bago siya magpaalam. Dahan-dahan niyang inilapag ang ulo niya sa malambot na tumpok ng mga dahon ng acacia.

" Ryniel...sa muli nating pagkikita, sana maalala mo pa rin ako..."

Habang unti-unti siyang naglalakad palayo, nagsisimula namang pumatak ang maliliit na butil ng ulan.

" Mamimiss kita mahal..."  Sa huling pagkakataon ay nilingon pa niya si Ryniel.

Umihip ang malakas na hangin, kasabay ang pagbagsak ng kanyang mga luha.

Tila nakikiramay ang panahon sa kalungkutang kanilang nararamdaman.

" Rain??? " Nagising si Ryniel dahil sa pagdampi ng malamig na hangin sa kanyang mukha. " Asan ka mahal?! " Nilibot niya ang buong paligid, pero di niya natagpuan si Rain. Bigo siyang bumalik sa ilalim ng puno ng acacia. " Please wag mo 'kong iiwan uli..." Ngayo'y umiiyak na siya habang nakasandal sa puno. 

Basang-basa na siya ng ulan. Nilalamig pero nanatili pa rin siya sa ilalim ng puno.

" Rain, sana di na 'ko nagising pa...Sana isinama mo na lang ako..."

Hanggang sa napagtanto niyang isang panaginip lang ang pagkikita nilang muli. Nakatulog pala siya dahil sa pagpapakalunod sa alak mula nang umalis siya sa kanilang bahay kaninang hapon.

Sa patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan, unti-unti naman siyang nalulunod sa kalungkutan.

" Kung kamatayan ang naging dahilan kung bakit tayo nagkalayo..." Isang desisyon ang pumasok sa kanyang puso't isipan. " Ito rin ang magbubuklod sa'ting dalawa..." Ngayon ay hawak na niya ang isang baril. "...Rain, hintayin mo 'ko..." Dahan-dahan niya itong itinutok sa kanyang sentido.

Naging saksi ang punong ito sa matibay na pagmamahalan nilang dalawa, pero ngayong gabi, ito rin ang saksi sa walang-hanggang pagmamahal niya kay Rain...

BANG!

Sa pagsapit ng hatinggabi, umalingawngaw ang isang malakas na putok ng baril.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

" WAG!!! "

Patuloy niyang naririnig ang sigaw na ito sa kanyang isipan.

Nakatulala pa rin siya habang nakaupo sa labas ng Operating Room.

Pero natauhan siya dahil sa malakas na suntok ni Joel.

" Walang-hiya ka! Ano'ng ginawa mo sa kapatid ko? " 

Pinagtinginan sila ng mga tao sa paligid dahil sa ginawang eskandalo ni Joel. Gusto pa sana niyang bugbugin si Ryniel, pero pinigilan na siya ng kanyang ama.

" Pero Dad dapat..."  giit niya sa ama.

" Sundin mo 'ko..."  utos muli ni Don Lucio Fernando, habang nakatitig sa mga mata ng kanyang anak. 

Wala namang nagawa si Joel kundi manahimik na lang.

" Natatandaan mo pa ba ang sinabi ko sa'yo, buhay mo ang kapalit kapag may nangyaring masama sa anak ko..." Si Don Lucio Fernando naman ang humarap kay Ryniel, na napayuko na lang habang pinagsasabihan niya.

Wala pa ring imik si Ryniel nang bumalik siya sa pagkakaupo.Hindi niya gusto ang nangyari kay Princess, pero di niya pinagsisihan ang pagtatangka niyang magpakamatay.

Magkasama na sana sila ngayon ni Rain, kundi lang dumating si Princess. Tinabig kasi niya ang baril, bago pa niya makalabit ang gatilyo nito. Kinuha niya uli ang baril, at  itinutok na sa kanyang puso. Pero pilit itong inagaw ni Princess sa kanyang mga kamay, kaya di sinasadyang nabaril siya sa kaliwang balikat.

Isinugod niya si Princess sa hospital sa tulong ng mga katiwala nila sa Rose Farm.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Agad na lumapit si Don Lucio Fernando sa doktor na lumabas sa Operating Room.

" Ligtas na siya, naalis na namin ang bala sa kanyang balikat. Wag na rin kayong mag-alala, kasi ligtas ang baby..."  paliwanag nito sa kanya.

" Maraming salamat po Dok. " Nabawasan ang pag-alala ni Don Lucio Fernando dahil sa magandang balita. 

Nakahinga na rin ng maluwag si Ryniel dahil sa kanyang narinig.

" Eh, kailan po namin siya pwedeng makita..." usisa naman ni Joel sa doktor.

" Maya-maya po Sir, sa ngayon, ililipat na namin siya ng kwarto..."

" Okay po, maraming salamat po uli..."

Nang makaalis ang doktor, muli na namang nilapitan ni Don Lucio Fernando si Ryniel. 

" Sa susunod na may mangyaring masama kay Princess, o kahit sa apo ko, tutuluyan na kita..." pagbabanta pa niyang muli rito.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Si Kiet ang nagtext kay Princess tungkol sa biglang pag-alis ni Ryniel. Kaya siya rin ang nagsabi kay Don Alfonso ng mga nangyari sa kanyang kaibigan. 

" Ba't mo yun ginawa ha? " sumbat ni Don Alfonso sa apo, pero di na niya hinintay na makasagot pa ito, niyakap na lang niya si Ryniel. " Naiintindihan ko ang ginawa mo, pero di yun ang kasagutan. Alam ko, hindi rin gusto ni Rain ang ginawa mo, kaya wag mo na ulit babalaking gawin yun..." pangaral pa niya rito.

Di pa rin umimik si Ryniel.

Nasa ganon silang posisyon nang makita niyang papalapit ang ama ni Princess. Agad siyang bumitaw sa mga bisig ng kanyang Lolo para harapin si Don Lucio Fernando. Pero nagulat siya nang makitang nakipagkamay pa ito sa kanyang Lolo Alfonso.

" Ryniel, don't worry, alam na rin ni Lolo ang tungkol sa inyo ni Princess." paliwanag sa kanya ni Kiet.

" Pasensya na po Lo, kung itinago ko 'to sa inyo..."

" Okay lang, naiintindihan kita..."

" Mawalang-galang na sa inyo, pero narito ako para sabihing gising na si Princess at gusto ka niyang makita..." sabad bigla ni Don Lucio  Fernando. 

" Sige na iho, puntahan mo na siya..." 

Sinunod naman ni Ryniel ang sinabi ng kanyang lolo. Pero bago siya makalayo, napansin niyang nag-usap ito at si Don Lucio Fernando. 

" Ano kayang pag-uusapan nila? "

Love Over Vengeance 2: EternityWhere stories live. Discover now