Epilogue

526 9 11
                                    

02.02.**

SM Mall of Asia Activity Area

 10:13 AM

[  Xeriel's POV ]

" Sabi nila ang pag-ibig raw ay kusa mong mararamdaman para sa isang tao. Yung bang sa unang pagkikita palang ay mararamdaman mo na kayo ang soulmates. Kaya naisip ko, kahit maghintay ka pala  o hindi, kusang darating ang "the one" para sa puso mo, pagkat kayo ang nakatadhana sa isa't-isa..."

Umalingawngaw ang masigabong palakpakan sa buong activity area dahil sa panimula ng  speech ko. Sinabayan pa ito ng mga tao ng kanilang hiyawan sa sobrang saya nang makita na nilang unti-unting inilalapit sa stage yung dalawang canvas, na balot ng mga puting tela. 

" Guys, ipinagmamalaki kong ihandog sa inyo ang dalawang librong magpaparamdaman sa inyo ng kakaibang pag-ibig..." 

Sa hudyat ko ay magkasabay na hinila nina Ryniel at Rain ang telang nakabalot sa unang canvas na nasa kanilang tabi.

" Ang My One and Only Angel..." pagpapatuloy ko, habang nakatingin sa mag-asawa. Kapwa  sila nakangiti habang pinagmamasdan ang cover ng librong ito - walang iba kundi silang dalawa. 

" Napakalaki ng utang na loob namin sa'yo Xerun. Maraming salamat..." malumanay sabi ni Ryniel, matapos naming magkamayan.

" Wala yun Ryniel..." sagot ko, "...Isa lang akong instrumento ni Ama upang tulungan kayong dalawa..." pabulong ko pang sabi sa kanya. 

Hindi lang ang napakagandang kwento nila Ryniel at Rain ang aking tampok ngayon, syempre pati na rin ang kwento ng kakaibang pag-iibigan namin ni Shine. 

" Guys, lets welcome my One and Only Shining Princess..." nakangiti kong sabi nang makarating na si Shine sa stage. Kaya nagtilian ang mga girl fans ko sa pabirong kilig lines na 'to. 

Nginitian na lang din ako ni Shine, saka namin sabay na hinila ang nakatakip na tela sa canvas ng librong " Shining Princess ", kung saan cover ang soon to be Mr. Morales...

Tama, malapit na kaming ikasal, by next week siguro. Oopss, syempre gusto ni Shine na maging June bride siya kaya sa June na lang daw.

" KISS! KISS kuya Xerun! "

Natawa naman ako nang marinig ang sabay-sabay na request ng mga mababait at makukulet kong fans. Especially yung nasa bandang una, sina Germaine Acapulco ( blackcat022) , Jennine Castillo, Machel ( Chel_zu ), Micko Tiu at si Patricia Angela Santos...Syempre hindi rin nagpahuli ang number one fan ko na si Yra, na may napakalaking tarpaulin pang hawak, kasama ang boyfriend niyang si Kyle.

So ayun, kilig to the bones hanggang lamang-loob ang inyong makulet na Kuya Xerun nang halikan ako sa lips ni Shine. Hindi naman ako nagpadaig kaya hinalikan ko rin siya, mula sa noo, sa ilong hanggang sa lips niya. Kaya naman malakas na tilian na naman ang namutawi sa buong lugar.

" To all the fans of  Xerun Salmirro..." Napukaw ang atensyon naming lahat nang pumagitna ang napakabait na publisher ng Ink-visible Quill Publishing House, na si Mr. Hanzel Sibbaluca. " ---I have an announcement..." paibitin effect pa si Sir Hanz. Tumabi pa siya sa'kin saka ngumiti, "...bilang bahagi ng 3rd anniversary special namin, ihinahandog ko ang isang " Writing Contest ", na syempre si Xerun ang isa sa magiging judge..." 

Love Over Vengeance 2: EternityWhere stories live. Discover now