Season III - Revelations | Chapter 29: 06:06:06 PM

468 9 4
                                    

Irish's POV

Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag kay Jarel ang naging desisyon ko. Pero sigurado na akong final na 'to, dahil magdamag ko 'tong pinag-isipan.

" Love, sorry sa nagawa ko kagabi ha..." 

Hindi ko sinagot ang paghingi niya ng tawad. Tinitigan ko lang siya dahil hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob ko. Inaway niya kasi ako nang pauwi na kami galing sa hospital. Sinigawan niya ako na parang napakalaki ng kasalanan ko sa kanya. 

" Sorry na, di ko naman sinasadyang magselos eh...mahal na mahal lang talaga kita, kaya ko nagawa yun. " paliwanag pa niya, habang hawak ang dalawa kong kamay.

" Okay, naiintindihan ko ang point mo. Pero sana maintindihan mo rin ang sasabihin ko sa'yo ngayon..." 

Alam kong magagalit siya at masasaktan sa sasabihin ko, pero ito ang tama eh.

Bumitaw ako sa mga kamay niya, para hawakan ang kanyang mga kamay. Tinitigan ko rin siya sa mga mata. Halata kong takang-taka siya sa ginagawa ko.

" Jarel, I'm sorry...pero naisip ko na parang hindi na nagwowork ang relationship natin. " dahan-dahan kong sabi.

" So, nakikipagbreak ka na. " inis niyang sagot, sabay bitaw sa mga kamay ko. 

" Yes..." mahina kong sagot. 

Bigla naman siyang tumayo. Lumakad palayo sa'kin.

" Bakit Irish??? Bakit?! " 

Nilapitan ko siya at niyakap. Akala ko iiwas siya, pero hinayaan niya lang ako.

" Sorry. Siguro nga, nagkamali ako ng desisyon pero isa lang naman ang dahilan kung ba't ko 'to naisip eh. "

" Ano yun? "

" Nakakapagod palang umaasa sa mga oras na ibibigay mo sa'kin..."

" Yun lang yun? " 

" Oo, ngayon ko lang narealize na mahirap palang magkaroon ng sikat na boyfriend. Dahil nauubos ang oras niya sa kanyang showbiz commitments, kaysa sa gf niya. " paliwanag ko na may bahid na  ng panunumbat.

 " Pero pinilit ko namang magkaroon ng time for you Irish. " katwiran niya, sabay bitaw sa'kin pagkasabi nito. Tapos ay hinarap niya ako uli. " Kung yung Concert Tour ang dahilan, sana di na lang pala ako sumama dun. " giit pa niya.

Tama siya, isa nga yun sa naging dahilan kung bakit ko naramdamang nawawalan na siya ng time sa'kin. Alam ko naman nung una palang na mangyayari ang ganun, pero nagpadala pa rin ako sa nararamdaman ko sa kanya. O baka nga, nagpadala lang ako sa sobrang kilig nang malaman kong isang sikat na singer ang nanliligaw sa'kin. Kasalanan ko naman pala kung bakit ako nasasaktan ngayon.

" Sor- " Hindi na ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla na lang niya akong hinalikan. Na agad ko namang pinalitan ng malakas na sampal. 

" Bakit??? " Takang-tanong niya dahil sa pagkabigla sa ginawa ko. " Now, sure na 'ko sa totoong dahilan kung bakit ka nakikipaghiwalay sa'kin. " makahulugan niyang sabi, habang hawak ang kanyang pisnging namumula na.

Tinitigan pa niya ako ng masama bago siya tuluyang umalis. 

Di ko naman siya masisisi kung magagalit siya sa'kin. Totoo naman kasi ang hinala niya. Sa totoo lang isa si Ybrahim sa dahilan kung bakit ako humantong sa desisyong makipaghiwalay na. Di ko na lang sinabing kasama si Him kasi ayoko guluhin pa niya yung tao.

Love Over Vengeance 2: EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon