Season III - Revelations | Chapter 35: Pusong Lito...

380 10 0
                                    

 Author's Note:

Pasensya na, short updates na lang muna ang gagawin ko ngayon...

Pero pangako ko, tatapusin ko sa July 2012.

X|S

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Isang maliit na thanks giving party ang inorganize ng Del Tiero Brothers para sa mag-amang Ryniel at Xaniel. Nakalabas na kasi si Prince Xaniel mula sa hospital matapos ang isang buwang pananatili sa incubator.

Ang okasyong ito ang naisip ni Don Lucio Fernando para salubungin ang kanyang pinakamamahal na apo. Ito ay gaganapin sa malawak na hardin ng Chateau del Tiero. Kung saan imbitado  lang ay ang ilang malalapit nilang mga kaibigan upang maging solemn ang buong okasyon.

November 16, 2013

06:13 PM

" Una po sa lahat, maraming salamat sa Inyo Panginooon, dahil ibinalik Nyo 'ko sa pamilya ko. " Nag-antada pa ng krus si Ryniel bago ipinagpatuloy ang kanyang speech, " Lalong-lalo na po sa pagbibigay Nyo saming mag-asawa ng isang munting anghel - si Xaniel. "

Mariin pa niyang hinalikan sa noo ang kanyang anak. Napakayakap naman si Princess sa kanya dahil sa pagiging emosyonal. At magkatulong nilang kinarga ang mahimbing ng natutulog na sanggol.

" Nagpapasalamat din po ako sa aking pamilya, na hindi kailanman sumuko at ipinagpatuloy ang pagdadasal para sa paggaling naming mag-ama. Pati na rin po sa lahat ng mga kaibigan at sa lahat ng nagdasal para samin..."

Sa pagtatapos ng speech ni Ryniel, isa-isa nang lumapit sa harap ng stage ang kanilang mga kapamilya at iba pang bisita. Sabay-sabay nilang sinindihan ang mga kandilang nakapaikot sa isang malaking mesa.

Isang taimtim na dasal ang sabay-sabay nilang inialay kay Ama sa pangunguna ng mag-asawang Princess at Ryniel.

 " Panginoon, maraming-maraming salamat po sa panibagong buhay na ipinagkaloob Nyo sa'kin..."

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

[ Yra's POV ]

Nagulat ako nang malamang nandito rin pala sa party si Kean. Ninang daw pala kasi niya ang photographer na si Tita Xeanna, na isa sa mga inimbitahan nila Kuya Ryniel at Ate Princess.

Matapos kumain ay bigla niya akong niyayang pumunta sa isang fountain na nakita daw niya kanina. Hindi na ako nakapagtanong pa kung bakit kasi dahan-dahan na niya akong hinila paalis, kaya napasunod na lang ako. Mabuti nalang tinulungan kami ni Ate Trina na umalis nang di napapansin nila Papa.

Siguro may suprise na naman siya sa'kin...

" Kean, anong gagawin natin dito? " 

Naisip ko pa ring magtanong kahit pa duda na'ko sa balak niya.

" Basta upo ka lang muna okay? "

" Ha?...Sige na nga. "

Sana magustuhan ni Yra tong gagawin ko ngayon. Sana dahil dito, ako ang piliin niya kaysa yung bestfriend niyang yun.

Kinuha ni Kean ang ilang basket ng rose petals mula kay Trina at magkatulong nilang ibinuhos ang mga ito paikot sa kinauupuan ni Yra.

" Thanks po. " bulong pa niya kay Trina matapos nilang maiset-up ang kanyang supresa.

Love Over Vengeance 2: EternityWhere stories live. Discover now