Season III - Revelations | Chapter 34: New Life...

383 10 4
                                    

 Author's Note:

Short - update muna... ^_6, 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hindi pa man nabubuo ang isang araw na pananatili ni Ryniel sa kanilang bahay ay agad na siyang umalis para bumalik sa hospital. Kahit pa sabihan siya ng kanyang mga kapamilya na pagpahinga muna, buo pa rin ang desisyon niyang makita ang kanyang anak na si Xaniel. Isa pa gusto na rin niyang kausapin si Princess para magkaayos na silang mag-asawa.

Nalaman ni Princess mula kay Ybrahim na pagdalaw ni Ryniel sa kanilang anak. Ayaw muna niyang harapin ang kanyang asawa, kaya agad siyang lumabas para bumili ng pagkain sa supermarket.

Kaya naman si Sairi na lang ang naabutan ng mag-amang Michael at Ryniel sa kwarto.

 " Sai, si Princess? " usisa ni Ryniel kay Sairi pagkadating nilang mag-ama.

" Lumabas siya sandali para bumili ng pagkain..." pagsabi nito ay saka lang napansin ni Sairi ang dalawang box ng pizza at softdrinks na dala ni Michael. Sigurado siyang ang laman nito ay ang paboritong pizza ng kanyang kaibigan mula sa Pizza from Heaven. " Sige ah, dun muna ako sa labas..." Naisip na rin niyang magpaalam para masolo ni Ryniel ang kanyang anak.

" Sige, salamat ha..."

" Okay lang..."

Pagkaalis ni Sairi ay  dumiretso na si Ryniel sa harap ng incubator ni Xaniel.

" Xaniel, anak...sorry ha, kung ngayon lang ako  nakadalaw sa'yo..." malungkot niyang sabi habang hawak ng maliliit na daliri ni Xaniel ang kanyang hintuturo. " Sorry din kasi galit pa rin sa'kin si Mommy mo..."

Yumuko pa siya para makita ng mabuti ang kanyang anak mula sa salamin.

" Wag kang mag-aalala...kayo ng Mommy mo ang pinili ko... "

Napangiti siya nang mapansing gumalaw ang mga kamay ni Xaniel nang sabihin niya ito. 

Buong gabing niyang pinag-isipan ang mga sinabi sa kanya ni Princess kahapon. Alam niyang magulo ang sitwasyon nila ngayon, kaya kahit napakahirap, handa na siyang magsakripisyo para sa ikakabuti ng kanyang pamilya.

" Ryniel, sa ngayon iyan ang tama mong gawin..." sang-ayon ng kanyang ama.

" Opo Pa...marami na rin po'ng nangyari sa amin ni Rain. Ilang beses na po kaming pinaglayo ng tadhana, kaya siguro yun na talaga ang gusto ng Diyos para sa'min..." seryosong paliwanag ni Ryniel.

Nilapitan siya ng kanyang ama at hinaplos sa likod.

" Naiintindihan kita...Alam kong masakit 'to para sa'yo, pero ito ang tama. "

" Isa pa po, impor-- mahal ko po ang  mag-ina ko, kaya di ko hahayaang sila naman ang mawala sa'kin..."

" Naiintindihan kita anak..."

" Salamat Pa..."

" Wag kang mag-alala maayos din ang lahat..."

" Sana nga po..."

Buo na ang desisyon ni Ryniel. Handa na siyang kalimutan si Rain.

Napakasakit.

Nakapakahirap.

...pero kailangan niyang gawin.

para sa kanyang pamilya...

 --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Love Over Vengeance 2: EternityWhere stories live. Discover now