Season III - Revelations | Chapter 38: Kiero Xerence

373 9 6
                                    

Author's Note:

Ngayong alam na ninyo ang pagiging ampon ni Ryniel...

Alamin ang mga susunod na malalaking rebelasyon.

Ang kabanatang ito ay maaaring maging spoiler sa kwentong " I know who killed me..." na magsisimula na sa pagtatapos ng kwentong ito...

X|S

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hindi napigilan ng magkakapatid ang mapaiyak habang ipinapasok ng mga nurse si Yra sa Operating Room.

" Kuya natatakot ako..." nanginginig niyang sabi habang mahigpit na hawak ang kamay ni Ryniel.

" Wag kang mag-alala bunso, magiging okay ang lahat..."

 

" Oo nga, tapos nito makakakita ka na uli..." dagdag pa ni Ybrahim.

" Sige kakayanin ko 'to." buong tapang na sabi ni Yra sabay ngiti para mawala ang kanyang nararamdamang takot.

Pero sa kabila ng kanyang paglalakas ng loob, napapansin pa rin niya ang kakaibang boses ng kanyang mga kapatid.

" Kuya, wala pa ba si Papa? "

Tapos kanina pa rin niya hinihintay na makausap ang kanyang Papa.

" Pasunod na siya, baka natrapik lang..." pagkakaila sa kanya ni Ryniel.

" Ah, sige..."

Hindi na nagawang mag-usisa pa ni Yra dahil kinakailangan na siyang patulugin ng doktor.

Lord, sana po maging successful ang operation ni Yra, para maging masaya na si Papa...

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

" Yra, anak..."

Napalingon si Yra dahil sa pagtawag ng kanyang ama.

" Pa, ba't ngayon lang po kayo?" malungkot niyang sabi, na halatang nagtatampo.

" Eh kasi may kinailangan lang akong gawin anak..." paliwanag ni Michael habang mahigpit na yakap ang kanyang unica hija.

Hinalikan pa niya sa noo si Yra at pinunasan ang mga luha sa pisngin nito.

Love Over Vengeance 2: Eternityحيث تعيش القصص. اكتشف الآن