Season IV - Darkness | Chapter 49 - Repleksyon

283 4 0
  • Dedicated to Xi Sirk Xxv
                                    

Author's Note:

YEHEY! LAST 3 Chapters na lang!

Pasensya na sa napakaTAGAL na UPDATE. Wala po kasi akong TIME para makapagcomputer eh. Isa pa wala akong sariling computer, so parenta-renta lang po ang inyong lingkod sa comshop para makapagtype ng updates hehe!

X|S

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Oh Panginoong Lucifer,

Ang unang pinarusahang anghel...

Ito na ang takdang panahon ng Iyong pagbabalik...

 

Isang pulang liwanag mula sa isang bituin ang tumama sa katawan ni Rain.

 

Tanggapin mo ang itinakdang anghel,

na magbibigay sa Iyo ng pinakamalakas na kapangyarihan!

 


" AHHHH! " Napasigaw siya habang unti-unti niyang nararamdaman ang paglabas ng kanyang kaluluwa mula sa kanyang katawan.

 

 

Oh, Panginoong Lucifer...

Tanggapin mo ang kaluluwa ng isang pinarusahang anghel dela guardia,

si Yssabelle...

 


" Ryniel, mahal na mahal kita...Sana magkita pa tayong muli..."

 

Tuluyang nilamon ng pulang liwanag ang kaluluwa ni Rain. Kasabay nito ang pag-alingawngaw ng isang malakas na halaklak...

Ngunit agad rin itong naglaho sa di nila malamang dahilan.

 

" Hindi siya ang itinakdang alay!!! "

 Dumagundong sa buong paligid ang nakakatakot na boses ni Oniel. Nagkatinginan naman at nagsisihan si sila Oel, Tairus at Arel.

 

" Paano nangyari yun? " bulong ni Arel.

 

" Magsitigil kayo mga walang silbi! " galit pang sigaw sa kanila ni Oniel.

 

" Kataas-taasang Oniel, patawad...Wag kang mag-alala, hahanapin ang itinakdang alay..." pangakong muli ni Oel habang magkakatabi silang nakaluhod nila Piero at Arel.

Love Over Vengeance 2: EternityWhere stories live. Discover now