Season I - Only Hope | Chapter 10 - Our One & Only Angel

751 12 5
                                    

Kakaibang saya ang naramdaman ni Ryniel nang makita sa unang pagkakataon ang 3D images ng kanyang anak. Nasa ika-apat na buwan na ng pagbubuntis si Princess, kaya kitang-kita na nila ng buong-buo ang kanilang baby boy.

" Tingnan nyo, ang tangos ng ilong ng baby nyo..." giliw pang sabi ni Dra. Concepcion sa kanilang dalawa.

" Oo nga po. " sang-ayon ni Princess, " Mana po kasi siya sa Daddy nya..." Biro pa niya sabay tingin kay Ryniel na nakatulala pa rin sa monitor ng Ultrasound Machine.

" Ah kaya naman pala eh, sigurado akong magiging gwapo din siya gaya ng Daddy niya..."

Napangiti naman si Ryniel nang marinig ang sinabi ng Doktor. 

" Ilang buwan na lang makakarga nyo na yang cute na baby boy nyo. Kaya kailangang alagaan mo pa ng mabuti ang sarili mo Princess..." paliwanag pa ni Dra. Concepcion.

" Opo, ayaw ko rin po'ng mahirapan si Prince Xaniel na lumabas..." 

" Ang unique naman ng pangalan ng baby nyo..."

" Syempre po, first baby po namin 'to kaya dapat special..." 

 " Ah, kaya pala..."

" Siya rin po kasi ang magiging one & only angel sa buhay namin ng Daddy niya..."

Pinagmamasdan lang ni Ryniel si Princess habang nakikipag-usap siya kay Dra. Concepcion. Pero tinamaan siya sa sinabi nitong  tanging si Xaniel lang ang magiging angel sa buhay nilang dalawa.

Ibig sabihin, tanggap na ni Princess ang sitwasyon nila, na tanging si Xaniel lang ang mag-uugnay sa kanilang dalawa.

Sa loob ng ilang linggo ay unti-unti na rin niyang nakikilala si Princess. Masayahin palang itong tao, kahit simpleng bagay ay nagiging masaya na siya agad. Gaya na lang ng dalhan niya ito ng paborito nitong pizza, niyakap siya ni Princess sa sobrang tuwa. Maalaga at maalalahanin din siya, dahil lagi siyang inaasikaso nito kapag dumadalaw siya sa kanilang bahay. 

Sa kabila ng magandang ipinapakita sa kanya ni Princess, pilit pa rin niyang iniiwasan ang tuluyang mahulog ang loob niya sa kanya, dahil si Rain pa rin ang mahal niya hanggang ngayon. Minsan nagi-guilty siya kapag naiisip niyang masasaktan si Princess kapag nakita na niya uli si Rain.

Pero wala naman siyang magagawa kundi sundin ang puso niya...

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Muling nagpaprint si Princess ng 3D pictures ni Xaniel para ilagay sa Baby Album na ginawa niya. Kasama rito ang lahat ng picture niya habang nagbubuntis, gaya ng pinaglihian niyang chocolate ice cream at yung kwintas na gift sa kanilang mag-ina ni Sairi.

Hindi na sila makakapunta sa mall para mamili ng mga baby clothes ni Xaniel. Tinawagan kasi ni Kiet si Ryniel para sabihing kailangan na niyang sumunod sa Pizza from Heaven - Ayala Center Branch. 

" Sa'yo na 'to..."  Namutawi ang ngiti sa mukha ni Princess nang iabot kay Ryniel ang isang 3D picture ni Xaniel. " marami naman ang pinaprint ko eh..."

" Salamat..."

" Lagay mo sa wallet mo ha...para lagi mo siyang nakikita, kahit di mo kami kasama. " hiling pa nito sa kanyang "asawa".

" Sige, "  Sinunod naman ni Ryniel ang sinabi nito. Inilagay niya agad ang picture sa kanyang wallet. Ipinatong niya ito sa nag-iisang picture ni Rain, na matagal na niyang itinatago. " Sige, kailangan ko ng umalis.Bye. "

Love Over Vengeance 2: EternityWhere stories live. Discover now