Season IV - Darkness | Chapter 52 - Walang Hanggan...

377 6 5
                                    

Author's Note:

This will be the LAST CHAPTER....

Wag kayong mag-alala, may EPILOGUE pa :D

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sa pagtatapos ng kanilang paglalakbay, sabay-sabay silang nagbalik sa kasalukuyang panahon.

" Kung akala Mo ay muli Mo akong malilinlang, nagkakamali ka! " sigaw ni Oniel habang matamang nakatingala sa kalangitan, kung saan makikita ang tatlong liwanag mula sa Diyos. Hinding-hindi niya paniniwalaan ang mga tagpong kanyang nakita.

Si Ryza naman ay umiiyak na napalapit kay Xeriel. Sa paglalakbay ng kanyang diwa, nagbalik na rin ang kanyang mga alaala.

" Xeriel..." Napaluhod siya at marahang hinaplos ang mukha ng walang buhay niyang gabay. "...maraming salamat sa'yo. "

Kaya pala ganoon na lamang ang tindi ng pag-aalala nila sa isa't-isa ay dahil sa matinding koneksyon ng kanilang mga buhay. Ang dati niyang gabay ay siyang naging ginabayan mula nang maipanganak siyang muli sa mundo bilang isang anghel dela guardia.

" Tapusin mo na siya Oel! " 

Pero nabaling ang kanyang atensyon sa kanyang harapan nang marinig ang sigaw ni Oniel. Kitang kita niya ang nakaambang espada sa nakadapa at walang malay niyang anak, na si Ryniel.

" WAG! " Kasabay ng kanyang pagsigaw ang buong pwersang pagtarak ni Oel sa dibdib ni Ryniel.

" Ano'ng --- "

Takang-tanong ni Oniel nang makita niyang biglang tumilapon si Oel. Kasabay nito ang pagpalibot ng liwanag sa buong katawan ni Ryniel, na nagmumula sa kanyang kwintas.

Wala ng naisip pa si Ryza kundi humarang sa harap ng kanyang anak. " Sige, subukan mong lumapit, ngunit dadaan ka muna sa'kin. " giit niya.

" HAHAHAHA! "

Malakas na halakhak  iginanti sa kanya ni Oniel. " Kung sa palagay mo ay maaawa ako sa'yo dahil taglay mo ang mukha ng babaeng minahal ko, pwes nagkakamali ka. " giit pa niya.

Patuloy na tumulo ang mga luha ni Ryza, sapagkat naisip niyang hindi na nga ang lalaking kaharap niya ang minahal niya noon. 

" Tapusin na natin ito. "

Magkasabay na sinugod nina Oel at Tairus si Ryza. Pero pareho silang natigilan nang biglang protektahan siya ng malalaking pakpak na bahagi na ng katawan ni Ryniel. 

" Ako ng tatapos sa kanya! " sigaw ni Oniel. 

Pinaulanan niya ng talim ng espada si Ryniel. Napakabilis ng kanyang pagkilos, ngunit patuloy lang itong hinaharang ng kanyang mga pakpak, na hindi man lang nalalagas ng kahit isang balahibo.

" Tigilan mo na ang anak mo! " 

Niyakap ni Ryza ang wala pa ring malay na katawan ni Ryniel. Habang nababakas sa kanyang mga mata ang sobrang galit sa lalaking minahal niya noon.

Ngunit hindi naman natinag si Oniel. Itinusok niya sa buhangin ang kanyang espada.

" Panginoong Lucifer, bigyan mo ako ng sapat na kapangyarihan..." usal niya sa hangin.

Love Over Vengeance 2: EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon