Season IV - Darkness | Chapter 44 - Young Love

310 6 0
                                    

 Author's Note:

Para sa mga KYRA ( Kyle-Yra ) supporters  & KEARA ( Kean-Yra ) supporters malalaman nyo na kung sino ang magiging THE ONE sa puso ni YRA.

Para naman sa mga YBRISH ( Ybrahim-Irish ) supporters, magkabalikan pa nga silang dalawa? O pipiliin na lang nilang magmahal ng iba para mahilom ang mga sugatan nilang puso?

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

" Panginoong Piorus, isang balita ang aming hatid..." bungad ng isang alagad kina Piorus at Piero. Pareho naman silang napatayo dahil sa sinabi nito.

" Sige sabihin mo. " sabik na utos ni Piorus.

" Napag-alaman namin mula kay Arel na sumanib sila sa mga tao upang maging madali ang paghahanap nila sa itinakdang alay..."

" Sinasabi ko na nga ba..." sabad ni Piero.

"...Kinitil din nila ang buhay ng mga taong iyon nang matagpuan na nila ang alay. " dagdag pa ng alagad.

Nag-alab na parang apoy ang mga mata ni Piorus dahil sa sobrang galit. Ngayon ay alam na nila kung paano sila pinaikot nina Oniel at Oel.

"...Ibig sabihin nagawa nilang sumanib ng matagal na panahon sa mga tao dahil sa tulong ni Kataas-taasang Oniel. " gigil pa niya sabi.

" Sa simula pa lang ay ang grupo na ni Oel ang pinapanigan niya. " himutok pa ni Piero.

Napalingon ang dalawa nang biglang lumitaw si Caniel sa kanilang likuran.

" Kung kaanib nila si Kataas-taasang Oniel, siguradong hindi na tayo magtatagumpay sa mga plano natin. " mahinahon niyang sabi. " Siya pa rin ang pinili ni Panginoong Lucifer, kaya siya ang pinakamakapangyarihan sa ating lahat. " paliwanag pa niya.

" Ngunit hindi pa huli ang lahat. " natatawang sagot ni Piorus. Isang plano ang agad niyang naisip para matapatan si Oniel.

" Ano'ng balak mo? " usisa sa kanya ni Piero.

" Hindi man natin mapapantayan ang kapangyarihan niya, ngunit mahihirapan pa rin siyang isakatuparan ang kanyang mga plano kung magiging kaanib natin ang grupo nina Kamiel at Viel..."

" Tama ka. Tiyak akong hindi rin nila nagustuhan ang ginawang pagpapaikot nila Kataasa-taasang Oniel at Oel. " sang-ayon ni Piero.

" Kaya ngayon din ay kakausapin ko na silang dalawa. " giit ni Piorus sabay taas ng kanyang kanang kamay para paglahuin ang sarili.

" Sasama ako. " sabi ni Piero.

Sabay silang napatitig kay Caniel nang di man siya natinag sa kanyang pagkakatayo. Nagulat pa sila nang bigla na lang paglahuin ni Caniel ang kanyang sarili.

" Walang silbi! " galit na sigaw ni Piorus. " Sa oras na magtagumpay tayo, ako na mismo ang tatapos sa kanya. " giit pa niya.

" Hayaan mo na siya. " payo sa kanya ni Piero. " Kahit pa matagal na siyang naging itim, mas nananaig pa rin sa kanya ang pagiging isang tao. " 

" Isang walang silbing nephilim. Sana noong una palang ay binura na natin ang alaala niya, nang sa ganun ay hindi na natin siya pinaproblema ngayon. " sentimyento pa ni Piorus.

" Tama ka, pero sa ngayon wag muna nating siyang pag-aksayahan ng panahon. Tayo na. "

Hindi na sumagot pa si Piorus, agad niyang pinaglaho ang kanyang sarili. Sumunod na rin si Piero.

Love Over Vengeance 2: EternityWhere stories live. Discover now